Motor sumalpok sa trak, rider utas

ni Janice Baricuatro @News | October 23, 2026

Photo: File
Patay ang isang 38-anyos na rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na dump truck sa Governor’s Drive, Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite, alas-5 ng madaling-araw kamakalawa.
Kinilala ang biktima sa alyas Richard, residente ng Dasmariñas City, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang truck driver na si alyas Rey, 43, tubong Magdalena, Laguna.
Patungong GMA, Cavite ang rider nang lumipat umano ito sa kabilang linya at sumalpok sa kasalubong na Isuzu dump truck ng Kidtrans Konstruct Inc.
Sinubukan pa umanong magpreno ng driver ngunit hindi na naiwasan ang banggaan. Tumilapon ang rider at isinugod sa Pagamutan ng Carmona, subalit idineklarang dead-on-arrival. Naamoy rin umano ng mga rumesponde ang alak sa biktima.





Comments