May hinahabol na P1M… MADIR NI JAKE, NAGPASAKLOLO KAY TULFO
ni Julie Bonifacio @Winner | September 22, 2023

Inireklamo ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco sa programa ni Sen. Raffy Tulfo ang may-ari ng furniture shop na pinagpagawaan niya ng kanyang sofa and dining table set sa dati nilang bahay sa Tagaytay.
Kuwento ni Raquel, ipinagawa niya ang mga furniture nila sa dati nilang bahay sa Tagaytay na nabenta na sa isang furniture shop. But that was six years ago.
Pero may usapan naman daw sila nu’ng furniture shop owner na kapag na-repair na ang mga furniture ay ibebenta na lang.
Isang milyon ang sinisingil na halaga ni Raquel para sa kanyang mga gamit sa furniture shop.
Ang kaso, pumalag ang owner ng tindahan at itinanggi na may usapan sila ni Raquel na sila ang magbebenta ng mga furniture ng nanay ni Charice (Jake).
Dinala raw doon ni Raquel ang mga furniture niya na halos ‘yung katawan na lang o kahoy na lang ng mga upuan at lamesa ang okey. Kaya halos total repair daw ang ginawa sa furniture ni Raquel, ayon sa may-ari ng tindahan.
Ang siste, sinisingil ng furniture shop owner na siya ang bayaran ni Raquel dahil sa repair na ginawa nila at sa pag-iimbak ng mga malalaking furniture sa kanilang shop.
Ang ending, ipinapa-compute ni Sen. Raffy sa furniture shop owner kung magkano ang bayad sa repair ng mga furniture ni Raquel. At saka pag-uusapan kung ano ang susunod na hakbang sa kanilang pag-uusap.
Nase-sense naman sa tono ng mga binitiwang pagtatanong ang concern na ipinakita ni Sen. Raffy kay Raquel, ‘di malayong siya na lang ang magbayad sa pagpapagawa ng mga furniture ng ina ni Jake.
Napi-feel siguro ni Sen. Raffy ang kakapusan sa pananalapi ng ina ni Jake. And knowing Sen. Raffy na sobrang matulungin, ‘di malayong gawin niya ito.





Comments