top of page

May ganern, Ate Vi? LUIS, PINATATAKBONG GOVERNOR SA BATANGAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2024
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | July 13, 2024


Showbiz News
Photo: Lucky Manzano / IG

Dahil sa post ni Luis Manzano na sumama siya kay Finance Secretary Ralph Recto sa pagbisita sa Batangas, may mga nag-akala na namang papasukin ni Luis ang pulitika.


Ang ini-repost nitong caption sa kanyang post na, “SenCongSec. Ralph Recto at Kuya Lucky Manzano, dumating na para sa malaking pagtitipon natin ngayong araw” ay sinagot ng mga positive comments, lalo na ng mga taga-Batangas.


May comment na mas gaganda ang Batangas kapag kumandidato si Luis at may nag-segue na kahit anong posisyon ang takbuhan niya, masuwerte ang masasakupan niya. 


May nagpayo naman kay Luis na sa pagka-governor siya tumakbo at sigurado ang panalo niya.


Sa mga kumuwestiyon na bakit kakandidato sa Batangas si Luis, hindi naman siya taga-Batangas, ang sagot ng isang follower nito sa Instagram (IG), sa Lipa, Batangas bumoboto si Luis, matagal na.


Samantala, si Luis ang host ng bagong game show ng ABS-CBN na Rainbow Rumble na magsisimula sa July 20. Ang ganda ng tagline nito na “Ang Pinakamakulay Na Game Show!”


Natuto na raw nang 'di matuloy ang kasal nila ni Dominic… "IT MADE ME STRONGER" — BEA 


Billy Crawford sa GMA Integrated News
Photo: Dominic Roque / IG

Muling na-interview sa Fast Talk with Boy Abunda si Bea Alonzo at isa sa mga tanong sa kanya ni Boy Abunda ay kung paano niya na-handle ang pagkansela ni Dominic Roque sa kanilang kasal. Considering na that time, nagsisimula na siyang mag-taping para sa hit series na Widows’ War.


“Pine-play ko lang ‘yung music ni Taylor Swift, I Can Do It With A Broken Heart. Charot!”  paunang sagot ni Bea.


“How did I survive two wars? The other one is a creative war, right? Actually, Widows’ War became like my outlet as well, because acting has always been my outlet when I’m going through something or whatever it is,” patuloy ni Bea.


“It makes me not think about my problems, not that I am escaping it, because most of the time, Tito Boy, art imitates life for me,” dagdag ni Bea.


Sa kuwento pa ni Bea, nag-react siya nang kunan ni Director Zig Dulay ang proposal scene nila ni Rafael Rosell. 


Nagtanong daw siya kung kukunan nila talaga ang nasabing eksena. Ano nga kaya ang naramdaman ni Bea habang kinukunan ang proposal scene?


Sa series, natuloy ang kasal nina Bea at Rafael bilang sina Sam at Paco respectively, pero namatay si Paco. 


In real life, kahit hindi natuloy ang kasal nina Bea at Dominic, masaya na sila sa kani-kanyang buhay at naka-move on na.


Lesson learned kay Bea ang nangyari sa kanila ni Dominic, naging more resilient daw siya na hindi niya inakala.


“It made me stronger, and natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko, and just accept or embrace those opinions that add value to my life,” ayon pa kay Bea.


Samantala, muling nagkita-kita sina Bea, Heart Evangelista, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Sam Milby at Mr. Johnny Manahan. Walang okasyon, nagkita-kita lang ang grupo, nagkuwentuhan at nag-update ng kanilang mga ganap.                                           


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page