top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May ganern?! ALDEN, NAGBABAYAD DAW NG FANS PARA LAGING PINAG-UUSAPAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 21, 2022



Hindi na kinailangang magpaliwanag ni Alden Richards sa isyung siya ang financier sa isang AlDub event noong October 23. Ilang members ng grupo na ang nagsalita at nagpaliwanag na hindi si Alden ang gumastos sa nasabing event at kaya siya dumalo ay dahil tinanggap niya ang donation ng grupo para sa AR Foundation at para makatulong sa kanyang mga scholars.


Mas maganda nga naman kung personal na tatanggapin ni Alden ang donation para personal siyang makapagpasalamat. May mga larawang makikitang tinanggap ni Alden ang envelope na naglalaman ng donation.


Inakusahan din si Alden na siya ang financier ng grupo for his publicity para raw manatili siyang relevant at nasa news.


Depensa ng mga fans nito, hindi kailangang magbayad ni Alden para masulat dahil sikat ito kaya isinusulat at ibinabalita ng mga reporters.


Samantala, this Monday o this week na mapapanood ang minsang nabanggit ni Bea Alonzo na revelation ng tunay na pagkatao nina Tristan (Alden) at Dave (Jeric Gonzales) sa Start-Up PH.


Emosyonal ang episode dahil malalaman na rin ang sakit ni Lola Joy (Gina Alajar) at may mga susunod pang revelation dahil last five weeks na lang ng series.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page