top of page
Search
  • BULGAR

May gag order? GRETCHEN, BIGLANG NANAHIMIK SA E-SABONG AFTER BANATAN SI SEN. BATO

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 9, 2022



Ramdam ng mga netizens na si Gretchen Barretto ang pinapatamaan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang Facebook page post kung saan tinawag niyang “ul*l” ang mga Marites na pinag-initan ang kanyang relo.


Ini-repost ni Sen. Bato ang picture niya katabi ang isang Patek Philippe watch na lumabas sa socmed. Pagkatapos ay may ipinost din siya na piktyur na kamay niya (supposedly) kung saan may suot na kahawig ng Patek Philippe watch pero Seiko ang nakasulat na brand.


Caption ni Sen. Bato sa kanyang FB post, “Sa mga ul*l d'yan na Marites, naisahan ko rin kayo! 'Yung relo ko na P14K PHP, ginawa ninyong Patek Philippe na 360 M PHP. Ha ha ha!”


Sinagot din ni Sen. Bato ang netizen na nag-post ng question sa comment box.

“May chismis ba dito, senador?”


Sagot ni Sen. Bato, “(name ng netizen), 'Yang relo na 'yan ay kinopya ng Seiko sa Patek Philippe Tiffany Blue na nagkakahalaga ng 6.5 M dollars at wala ka pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing Japan na dala-dala 'yan at ibinenta sa akin sa halagang P14K. Heto na ngayon, kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Ha ha ha!”


Dahil d’yan, inulan ng batikos si Sen. Bato.


“Pati brand ng relo, pinag-aawayan sa 'Pinas. Bakit makakalamang ba sa oras kung mahal 'yung brand? O makakadagdag ba sa oras mo sa mundo? SAGOT!!!”


“Dami mong time mag-comment ng nonsense.”


May netizen naman ang nagbanggit ng name ni La Greta at ‘yung iba ay nagtatanong sa kanyang pananahimik sa socmed ngayon.


“Si Gretchen yata pinatamaan n'yang Marites, lol.”


“'Yan ba 'yung pinuna ni Greta sa Insta niya sa e-sabong na topic? Hahaha”


“Anong nangyari na pala kay Mama Greta? Miss ko na sya sa IG.”


“Baka may gag order, hehe.”


Sabeee?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page