top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

May fireworks pa… PROPOSAL NI ARJO KAY MAINE, BONGGACIOUS!

BULGAR
Jul 31, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 31, 2022



Pasabog at bonggacious ang ginawang proposal ni Cong. Arjo Atayde sa GF niyang si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Tali Island sa Nasugbo, Batangas na dinaluhan ng pamilya at malalapit nilang kaibigan.


Napakaganda ng setting ng proposal with matching fireworks pa. Kaya pati si Ria Atayde mismo na kapatid ni Arjo ay namangha at humanga.


Sobrang saya naman ni Maine Mendoza dahil feel na feel niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya Atayde. Ngayon pa lang ay itinuring na siyang anak ni Sylvia Sanchez. Kasundung-kasundo rin ni Ria si Maine kaya natutuwa siya na magpapakasal na ang kanyang Kuya Arjo.


Labis namang ikinalungkot ng libu-libong AlDub fans ang balitang engaged to be married na si Yaya Dub. Umaasa pa rin kasi sila na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang magkakatuluyan balang-araw. Hindi nila ganap na matanggap na si Arjo Atayde ang pinili ni Yaya Dub.


Well, siguro naman ay magigising na sa katotohanan ang mga AlDub fans na iba ang reyalidad at ang pang-showbiz career lang.


Hindi na kailanman maibabalik ang tambalang AlDub na kanilang minahal, inidolo at sinuportahan.


Pagdating sa personal na buhay, hindi na nga madidiktahan pa si Maine Mendoza na malapit nang maging Mrs. Atayde!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page