top of page
Search
  • BULGAR

May farm na, nakabili pa ng bahay sa Spain… BEA, ISA SA RICHEST CELEBS SA 'PINAS

ni Nitz Miralles - @Bida | May 17, 2022



May ibang title na si Bea Alonzo bukod sa ‘This Generation’s Movie Queen’ dahil isa rin daw ang aktres sa pinakamayamang artista ng bansa.


Dahil ito sa malawak niyang farm sa Zambales, may mga negosyo siya, at itong huli, nakabili ng bahay sa Madrid, Spain.


Hindi madali ang magkaroon ng bahay sa ibang bansa, sa ibabayad pa lang, dollars na at sa Spain, Euro. Kukuha ka pa ng tao na magbabantay habang wala ka para maglinis at mahal din ang bayad nu'n.


Ang gustong malaman ngayon ng mga fans, kung magkano binili ni Bea ang bahay niya sa Madrid? Curious lang ang mga Marites.


Saka, may plano raw ba si Bea na manirahan na sa Madrid at iwan ang Pilipinas?


Anyway, sa isang interview, nabanggit ni Bea na masaya siya sa taping ng Start-Up.


“I enjoy working with Tita Gina (Alajar), with Alden, sina Jeric (Gonzales) and Yasmien (Kurdi), masaya.”


Kapag natapos ang taping ng Start-Up, posibleng matuloy na ang project nila ni John Lloyd Cruz. Depende na lang daw sa schedule ni JLC at sa script.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page