Itinuring pang kapamilya… JOHN, KUMANTANG NA-SCAM NG ESTUDYANTE SA ACTING
- BULGAR
- 22 minutes ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 14, 20255
Photo: John Arcilla - IG
Samantala, dahil scamming nga ang kuwento ng Sins of the Father, nai-share naman ng magaling na aktor na si John Arcilla na minsan na rin pala siyang na-scam.
Yes, sa image niyang ‘yun na istrikto, nakakatakot at akala mong ‘di paiisa, pero akalain mo bang mismong estudyante pa raw niya sa acting class ang nakabudol sa kanya?
Ang masaklap du'n, parang itinuring na niyang kapamilya ang naturang estudyante niya at napalapit na rin ito sa mga magulang at kapatid niya.
Pati raw mga kaklase ng naturang estudyante ay na-scam nito. At nu'ng siguro ay depressed na dahil hinahabol na siya, tumalon daw mula sa 3rd floor ang naturang estudyante.
Ang siste, naospital at naka-survive pa raw ito at nakatakas sa ospital.
Grabe, parang kontrabida sa pelikula, ‘no? Hahaha!
Ang latest na balita raw niya, nagpapalit na ng mukha ang nang-scam sa kanya para ‘di na siya makilala.
Aaahhh, kagaling!!!
Kaya ang payo ni John at ng iba pang cast ng SOTF tulad nina Seth Fedelin at JC de Vera, ‘wag talagang pasilaw sa easy money.
Naman!!!
Instant big time…
GERALD, PINAMANAHAN NG P32 B NG TATAY
Sulit ang ilang taong pagpapahinga ni Gerald Anderson sa paggawa ng primetime teleserye dahil sa kanyang pagbabalik, pasabog na naman ang bago niyang pagbibidahan na Sins Of The Father.
Tungkol sa napapanahong scam ang kuwento ng SOTF kung saan gaganap na mag-ama si Gerald at ang magaling na aktor na si John Arcilla.
Sa ginanap na special screening kagabi ng SOTF sa Gateway Cinema 11, halos kumpleto ang cast at nalula kami sa laki ng cast na pinangungunahan nga ni Gerald kasama ang nagbabalik na leading lady niyang si Jessy Mendiola.
Late dumating si John Arcilla sa screening pero nakaabot siya sa mediacon after at gumawa na naman ng bagong pasisikating linya si Heneral Luna.
‘Kaaliw kung paano bitawan ni John ang mga katagang “Yayaman tayo!” at kung paano ito mainit na tinatanggap ng audience niya na akala mo siya lider ng kulto dahil napapasunod niya ang mga ito.
Ang role kasi ni John sa SOTF ay founder-owner ng investment fund company kaya naman nang-eengganyo siya ng investors, na masakit mang marinig, sabi nga ay “tamang budol”.
Mukhang na-inspire naman si Tirso Cruz III sa role ni John kaya nagbiro na magtayo na lang daw sila ni JC de Vera ng investment fund company at mang-scam na rin. Hahaha!
Kasama rin sa malaking cast sina Lotlot de Leon, Francine Diaz at Seth Fedelin, Shaina Magdayao, Joko Diaz, RK Bagatsing, Jerald Napoles, Nico Antonio, LA Santos at marami pang ibang Kapamilya stars.
Sa istorya, maiiwanan si Gerald ng super-laking kayamanan ng kanyang amang si John Arcilla na worth P32 billion!
Huwowowow, devah?!
Kaya naman after ng Q&A, tinanong namin si Ge ng hypothetical question na ano'ng investment ang paglalagyan niya ng kanyang pera sakaling mangyari ito in real life?
Gusto rin ba niyang magkaroon ng sariling supermarket tulad ng Puregold na business ng bagong BF ng kanyang ex-GF na si Bea Alonzo?
Napangiti lang si Gerald at ang ganting biro naman sa amin, give raw niya kami ng P1 bilyon and the rest ay ii-invest niya na sa properties.
Ohhh, harinawang suwertehin pa si Gerald dahil matulungin din naman siya at tiyak na mas marami pa siyang matutulungan kapag sobrang dami na ng pera niya.
Anyway, abangan ang mas gumuwapo at mas bumatang Gerald Anderson na gaganap bilang si Samuel na bank manager at anak ng scammer sa SOTF na magsisimula na sa June 23 after Incognito sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.
Mula ito sa direksiyon ni FM Reyes.