top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May COVID pa rin sa paligid, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 11, 2021



Ibinabala ang matinding init.


Paktay kang COVID ka!


◘◘◘


MAKATUTULONG ang mainit na klima laban sa COVID virus.


‘Pag lutang niya sa ere, luto agad siya!


◘◘◘


SA gitna ng init, iwasang uminom ng malamig na tubig.


Bakit?


Ito ay upang hindi maiirita ang lalamunan.


Ang lalamunan ay unang “landing” ng COVID kung saan ang unang sintomas ay pamumula at pamamalat!


◘◘◘


SIKAPING uminom palagi ng maligamgam na tubig.


Umiwas mag-ice cream, mag-milktea, mag-buko juice o softdrinks na sobrang lamig!


◘◘◘


MAHALAGANG maging stable ang temparatura ng katawan dahil ang pabagu-bagong temperatura ay magiging oportunidad sa COVID na makaporma.


Ang paglilipat-lipat sa kotseng naka-aircon o silid na naka-aircon palabas ng bahay na walang lamig—ay nagbubunsod ng pagbabagu-bago ng temperatura.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang mayayaman na palaging naka-aircon ay tinatamaan.


Kasi’y lumalabas sila ng bahay o kotse kung saan biglang nagbabago ng temperature na sasabayan ng pag-inom ng malamig na softdrinks o alak o beer na may yelo habang nakikipag-tsikahan!


◘◘◘


ANG mga taong grasa o ordinaryong tao ay palaging normal ang temperatura—kasi’y electric fan lang sila.


Palaging nasa kalye at hindi nagbabago ang klima ng katawan—palaging mainit ang pakiramdam na siyang iniilagan at kinatatakutan ng COVID!


◘◘◘


INAASAHAN natin ang pagbaba ng bilang nga tinatamaan ng COVID sa katindihan ng init.


Pero, sa pagbabalik ng malalakas na ulan kung saan magbabago ang temperatura, posibleng magkaroon ng third wave na kasing-antas ng India!


◘◘◘


MANATILING alerto.


Ang katahimikan ay minsan nagbabayad ng matinding panganib.


Ang tao o manok, bago malagutan ng hininga ay pumapalag kasing sigla higit sa ordinaryong may hininga!


◘◘◘


SANGREKWA na ang bakuna sa loob ng Pilipinas.


Higit na marami pa rin ang takot magpaturok!


◘◘◘


ANG bakuna ay maaaring gawing rekisitos sa lahat ng papasok sa commercial complex, trabaho o biyahe.


Ang mga hindi magpapabakuna ay makararanas ng habambuhay na lockdown!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page