top of page

May cosmetics business na, comedy bar naman ngayon… VICE, MAY 20M DOLLAR NANG YAMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 11, 2024



Showbiz News

Hindi gaanong idinidispley sa publiko ni Vice Ganda ang kanyang yaman na naipundar sa panahon ng kanyang pamamalagi sa showbiz. Milyun-milyon ang halaga ng mga properties na kanyang nabili at hindi ito galing lahat sa mataas niyang talent fee (TF), dahil may sarili rin siyang line of cosmetics na isinunod niya sa kanyang pangalan. 


Malaki ang kinikita ng kanyang cosmetics business, kaya hindi na kataka-takang may 20M dollars na ang assets at net worth ni Vice Ganda ngayong 2024. 


Bagama’t malaki ang kanyang talent fee, kumikita rin siya nang milyones sa kanyang pagiging product endorser at ngayon, isang bagong negosyo na naman ang kanyang binuksan, ang sariling comedy bar upang makatulong sa mga stand-up comedians na walang pinagkakakitaan. 


Naging wais at madiskarte si Vice Ganda sa pag-iipon ng kanyang kinita sa showbiz. Kaya anumang oras ay puwede na siyang magretiro dahil napaghandaan na niya ang kanyang future.



Maliit lang naman daw ang TF… 

SERYE NI COCO, 'DI KAWALAN KAY IVANA


Ivana Alawi

ANG sexy Kapuso star na si Kim Domingo ang balitang ipapalit kay Ivana Alawi na  mawawala na sa seryeng Batang Quiapo. Marami na ang nagrereklamo kay Ivana dahil may attitude na raw ito ngayon.


Well, hindi naman pinanghihinayangan ng kampo ni Ivana ang pagkakaalis niya sa serye dahil hindi naman daw ganu’n kalaki ang talent fee na ibinigay sa kanya.


Isa si Ivana sa top vlogger-content creator, kaya milyones ang kanyang kinikita. 


Pero nanghihinayang ang maraming fans ni Ivana sa pag-alis niya sa Batang Quiapo.


Malaki rin ang kanyang exposure sa serye, mas nakakatulong ito para ma-maintain niya ang kanyang popularidad sa publiko. Tiyak na hahanap-hanapin si Ivana Alawi ng kanyang male fans na nanonood ng serye.



MATUTULOY na rin ngayon ang 30th anniversary concert ni Ara Mina, ang All of Me. Dati itong naka-schedule last June sa Newport Performing Arts Theater, pero dahil sa sobrang busy ang schedule ni Ara at hindi niya maasikaso ang pagpo-promote, no choice siya kundi i-postpone ang concert at i-reset. 

Ayaw niyang ipilit na mag-perform kung hindi the best ang maibibigay niya sa mga manonood. 

Tiyak na sulit na sulit ang ibibigay nilang show na bahagi ng 30th anniversary celebration ni Ara sa showbiz. 

Isa si Sen. Bong Revilla, Jr. sa special guests at ganu’n din ang kapatid niyang si Cristine Reyes. 

Maraming dapat na ipagpasalamat si Ara na tumagal siya ng 30 years sa showbiz. Marami siyang kasabayang artista dati na hindi na aktibo, pero si Ara Mina ay patuloy pa ring nabibigyan ng mga shows at movie offers. 

Ang mister niyang si Dave Almarinez ang magho-host ng All of Me Concert.


Hitsurang na-mildstroke…

KRIS, NAGPA-BOTOX DAW, TUMABINGI ANG MUKHA 


Kris Bernal

LABIS na nag-aalala ang mga fans ni Kris Bernal dahil sa nakitang pagbabago sa kanyang mukha nu’ng bininyagan ang anak nila ni Perry Choi. 


Halatang-halata kasi sa kanyang close-up shot na medyo tabingi ang kanyang mukha at pati na ang kanyang mga mata ay naapektuhan. 


May ilan naman ang nagsasabing baka hindi lang maganda ang pagkaka-botox kay Kris kaya medyo tumabingi ang kanyang mukha na aakalain tuloy na dumanas siya ng mild stroke. 


Sana naman ay makapag-update si Kris Bernal sa kanyang kalagayan upang mapanatag ang kanyang mga tagahanga.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page