top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May bitbit na ice cream container at plastic na may straw para sa wine…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

ALEX, KUMAIN SA FINE DINING RESTO, NAG-TAKE-OUT NG MGA TIRA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 5, 2021




Maraming tirang pagkain at hindi naubos ang isang bote ng wine nang mag-fine dining si Alex Gonzaga at ang fiancé niyang si Mikee Morada sa isang sosyal na restaurant, kaya ipinabalot niya ito at nakadokumento talaga sa kanyang latest vlog!


Nitong Enero 1 ay lumabas sina Alex at Mikee para sa first dinner date nila sa taong 2021 kasama ang mga kaibigang vloggers na sina JaMill na magkarelasyon din. Sa madaling salita, ‘double date' sila.


Ayon sa future hubby ni Alex ay sobrang busy ng dalaga at bihira silang magkasama kaya ngayong unang araw ng 2021 ay sinamantala na nilang lumabas dahil back to work na nga naman ulit sila ngayong linggo.


Tawang-tawa kami habang pinapanood namin ang vlog ni Alex sa kanyang YouTube channel dahil isa-isa niyang itinuturo sa mga kasama kung ano ‘yung nasa menu na inorder na niya.


Hanggang sa napunta ang usapan kung ano ang mga gusto ni Mikee sa karelasyon. Pambubuking ni Alex, "Si Mikee, ano ‘to, eh, ayaw niya ng English-English (nagsasalita ng English). Ako nga ang nagustuhan niya, jologs talaga. ‘Yung mga ex niya, ganu’n.”


Sinita ni Mikee ang mapapangasawa, “Shhh, mamaya, manood sila."


"Hindi ko sasabihin kung sino siyempre!” sagot naman kaagad ng dalaga habang tumatawa.


Natatawa na lang si Mikee sa kakalugan ni Alex.


Hanggang sa natapos na silang kumain at inilabas na ni Alex ang plastic container ng ice cream.


“Magte-take out kami, kuya (waiter), kasi sayang naman. Siyempre, ang Tupperware ng bayan (sabay labas ng lagayan ng ice cream). Ito (steak), ilalagay ko rin dito para kay Bantay (birong sabi pa ng dalaga). Itong mashed potato, masarap din 'to. Hayan, handa na ang Tupperware para kina mommy’t daddy,” tumatawang sabi ni Alex.


At pati wine na natira sa bote ay tineyk-out ni Alex, inilagay sa plastic na may straw na akala mo ay softdrinks na binili sa tindahan.


“Sayang, may natirang wine, alam mo, Wolfgang, hindi kami ipinanganak kahapon. O, Mikee, sa ‘yo ‘yan. (Ang isang supot ay kay Alex) O, cheers,” say ni Alex at sabay silang sumipsip na magdyowa ng wine.


'Kalokah talaga 'tong si Alex!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page