top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

May bilin sa bagong Darna… VILMA KAY JANE: MAGING EHEMPLO KA NG HENERASYON NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 10, 2022



Star-studded ang ginanap na grand mediacon ng Mars Ravelo’s Darna last Monday dahil present ang halos lahat ng cast sa pangunguna ng bidang si Jane de Leon.


Ang mas lalo pang nakapagpaningning ng gabi ay ang pagbulaga ni ex-Darna herself na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa isang recorded video at nagbigay ng message of support para kay Jane.


Simula ni Ate Vi, masuwerte raw siya for being able to do four Darna films namely Lipad, Darna, Lipad; Darna and the Giants; Darna and the Planet Women and Darna at Ding.


“'Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, eh, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay. ‘Yung character niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, and faith that everybody can be Darna. As long as you’re willing to help other people, you’re considered a hero," sey ni Ate Vi.


She added, “Maraming nag-aasam na maging Darna. Icon na ‘yung character. Malaking-malaking karangalan ‘yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap ng isang Darna.”


At ngayong si Jane na nga ang bagong may-ari ng bato, may paalala si Ate Vi sa bagong Darna.


“Ngayon, Jane, na ikaw ang napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon na meron pa ring pagmamahal, meron pa ring tiwala, at meron pa ring pag-asa. Ang daming humawak ng batong ‘yan.


“Ngayon, Jane, nasa ‘yo ang bato. Pangalagaan mo ‘yang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon. I wish you all good luck. Nandito lang ako to support you,” pahayag ni Ate Vi.


Inimbita pa ng Star for All Seasons ang lahat na manood ng bagong Darna.


“Ako po si Ate Vi, ang Darna ng mga nakaraang henerasyon. At ngayon po, inaanyayahan ko kayong suportahan ang Darna ng bago nating henerasyon, si Jane de Leon,” pahayag ng aktres.


Pagkatapos nito ay hiningan ng reaksiyon si Jane na halatang na-overwhelmed.


“Ang aga, ha!” masaya niyang sabi.


“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nagtitiwala. Actually, hindi ko ini-expect na meron akong message from Tita Vilma Santos. Gagawin ko ang best ko para sa inyong lahat.


Maraming-maraming salamat po. Ang aga! Hindi ko in-expect,” dagdag niya.


Mula sa direksiyon ni Chito Roño with Avel Sunpongco at Benedict Mique, lilipad na ang Mars Ravelo’s Darna sa August 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page