May bayad na ang pagdaan sa Skyway 3
ni Ka Ambo - @Bistado | July 08, 2021
Maniningil na ng toll fee sa Skyway 3.
Lalong mababawasan ang daraan dito!
◘◘◘
WALA pa raw local transmission ng Delta variant ng COVID mula India sa Metro Manila.
‘Yan ay batas sa datos!
◘◘◘
HINIHINTAY ang panibagong 12-milyon doses ng COVID vaccine ngayong Hulyo.
Huwag sanang masikwat!
◘◘◘
POPULAR na si Sen. Manny Pacquiao pero lalo siyang naging popular nang patulan ni P-Digong.
Kumagat siya sa gimik!
◘◘◘
SIMPLE lang ang dapat gawin ni Pacquiao.
Sagutin lang niya nang maayos ang mga patutsada at makokorner niya ang simpatiya ng mga Pinoy!
◘◘◘
EMOSYON ang batayan ng pagboto.
At ‘yan ay pumapabor kay Pacquiao higit sa sinumang aspirante!
◘◘◘
ANG pagkakaiba nina Heneral Bato at Lito Lapid?
Pareho lang, ‘di ba?
Dating hepe ng PNP at isang high school undergrad—pero hindi nagkalalayo sa performance!
◘◘◘
AMINADO si Lapid na hindi siya nakatuntong ng kolehiyo, pero palagi siyang panalo at naging gobernador pa.
Ganyan din si Ramon Magsaysay ng Zambales!
◘◘◘
HINDI isyu ang pinag-aralan pagdating ng eleksiyon sapagkat ang mga botante ay bumuboto batay sa emosyon.
Alam ‘yan ng mga eksperto.
‘Yan mismo ay protektado ng Konstitusyon!
◘◘◘
KUNG idaraan sa isip ang pagboto sa pagka-pangulo, aba’y tiyak na walang mauupo sa Malacañang.
Awtomatikong ginagamit ang isip ng tao, pero kapag kumilos o gumalaw — tulad ng pagboto, emosyon na ang nagtutulak dito!
◘◘◘
ANG taong walang emosyon ay robot.
Emosyon ang tunay na nagpapagalaw ng mundo at hindi ang isip!
◘◘◘
ANG mga pulitiko ay likas na plastic.
Mahihina naman ang utak ng mga political analyst.
Luma na ang mga aklat na kanilang ginagamit—robot ang mga ‘yan at bookish!
◘◘◘
TEKA, bakit ba nagwagi si P-Digong, sige sagutin ninyo?
Tama, emosyon ng tao ang nagluklok sa kanya!
◘◘◘
PAANO naupo sa Malacañang sina Tita Cory at ex-P-Noy kung totoo na ang isip ang ginagamit sa pagboto?
Alam nating lahat na 100 percent emosyon ang umiiral sa panahon ng halalan!





Comments