May basbas daw ng parents… KIM AT JERALD, KUMANTANG NAPILITAN LANG MAG-LIVE-IN
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 11, 2023

Mala-John en Marsha ang bagong sitcom sa TV5 ng reel and real-life celebrity couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina, ang Team A (Happy Fam, Happy) Life) na magsisimula na sa March 18 (Saturday) at 9:30 PM.
Pero imbes ma-pressure sa comparison, gagawin na lang daw nina Kim at Jerald ang best nila para magustuhan ng viewers ang family sitcom na magtatampok din kina Ms. Yayo Aguila, Gene Padilla, Cindy Miranda, Marc Acueza, Ethan David, Ashtine Olviga at Gianna Aguiron, na gaganap na unica hija ng mga bidang sina Kim at Jerald.
Sa ginanap na mediacon ng Team A nu'ng Huwebes sa TV5 Studio, inamin nina Kim at Jerald na parang paghahanda na rin ang show sa kanilang pagkakaroon ng sariling pamilya, nauna nga lang na may anak na sila rito kesa in real life.
Very open naman sina Kim at Jerald na 3 years na silang magka-live-in in real life kaya hindi na masyadong malaking adjustment sa role nila sa sitcom, although natututo pa rin sila sa mga ginagawa nila rito na naia-apply nila sa kanilang relasyon.
Yes, 3 yrs. na raw silang magka-live-in na nag-start lang pala nu'ng magkaroon ng pandemic dahil for practicality reason daw, sabi ni Kim, dahil may asthma siya at wala ang pamilya niya rito sa 'Pinas (sa US naka-based), nag-decide sila ni Jerald na magsama na lang sa iisang bahay.
Si Jerald naman kasi ay may condo rin noon at may inuupahang apartment para sa kanyang nanay.
Kaya nu'ng mag-lockdown, nagpasya raw silang magsama-sama na lang sa isang bahay na approved naman sa pamilya ni Kim dahil at least nga, may kasama na siya.
Eight years na palang magkasama sina Kim at Jerald na unang nagkatrabaho sa Rak of Aegis, naging friends at hanggang naging lovers na.
Pero 5 yrs. pa lang daw silang officially BF-GF dahil 'yung first 3 years ay dating period lang nila at pareho ring may mga idine-date na iba noon.
At kahit ilang beses na raw silang nag-away at nag-break, nakakatuwa na hindi naaapektuhan ang trabaho nila dahil magaling silang magdala.
Kaya tiyak na walang magiging problema ang production team ng Team A kung saka-sakali mang magkaroon ng LQ o tampuhan sina Kim at Jerald sa taping ng sitcom.
Samantala, ang Team A (Happy Fam, Happy Life) ay may catch-up episodes tuwing Linggo starting March 19, 9:00 PM sa Sari Sari Channel Cignal Ch 3.
Buking!
JULIA, MARAMING 'KAHATI' KAY GERALD

Sa kabila ng pagiging busy ni Gerald Anderson sa showbiz career nito at ilang negosyong pinasok tulad na lang ng kanyang resort sa Zambales, plus may happy love life rin with Julia Barretto, nakakatuwa namang may time pa rin ang Kapamilya actor for civic activities.
We learned na volunteer pala si Gerald sa Citizen's Crime Watch International.
Aktibo ang aktor sa non-governmental organization na ito (Municipality of Quezon City) kasama ang ilang civilian gaya nina Dave Dalisay ng Segara Hotels SBMA (nasa kanan ni Anderson sa picture) bilang executive director naman ng Olongapo Chapter.
Layunin ng grupo na makatulong para mapanatili ang kapayapaan/hustisya/integridad at maprotektahan ang kapaligiran at mga tao.
Tumutulong din ang grupo sa iba't ibang kalamidad sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng assistance sa mga biktima.
Nais din ng organisasyon na makipagtulungan sa iba't ibang local government units o LGUs para mas maipatupad ang kanilang mga layunin.
Sa ngayon ay merong halos apat na milyong miyembro na ang CCW mula sa iba't ibang dako ng Pilipinas at mundo. Target daw ng samahan ang mahigit 20 milyong miyembro sa buong mundo.
Ang isa pang civilian na si Mitch Botor and founder ng naturang grupo.





Comments