top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May bangs… BEA, NAGMUKHANG HOLLYWOOD STAR SA BAGONG HAIRSTYLE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 5, 2022



Ginulat ni Bea Alonzo ang kanyang mga fans at followers sa ipinost niyang new photo na ang comment ng mga fans, kamukha raw niya si Dakota Johnson, ‘yung leading lady sa Fifty Shades of Grey. May nagsabi namang naging kamukha niya si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez dahil sa bangs niya.


Sabi ng management ni Bea, para sa next project niya ang bago niyang image. Hindi lang namin alam kung ano ang mauuna nitong gawin, kung ang movie with John Lloyd Cruz sa Star Cinema o kung ‘yung teleserye nila ni Dennis Trillo. Hinihintay lang nila ang GMA-7 para plantsado ang schedule ni Bea.


Kapag nagtapos na ang Start-Up PH sa December 23, hindi mami-miss ng kanyang mga fans si Bea dahil whole December, guest siya sa All-Out Sundays. Nagsimula na siyang lumabas kahapon at isinunod ang taping para sa next Sunday, Dec. 10. This Monday, magte-taping uli siya ng two episodes for Dec. 24 and 31.


Nakapag-taping na rin si Bea para sa guesting niya sa Magpakailanman pagkabalik niya mula sa European vacation. Hindi lang kami sure kung sa Saturday na ang airing nito o ihuhuli sa anniversary episodes ng drama anthology show ni Mel Tiangco. May post-production daw dahil horror ang episode.


In fact, magiging busy next year si Bea sa dami ng naka-line-niyang projects at kasama rito ang mga gagawing pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page