top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May bagong format sa runners ng Muntinlupa, Davao at Cebu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 20, 2023




Matapos ang wala pang isang taon na paghihintay ay babalik sa mga kalsada ang ang 42.195 kilometrong Marathon na main event kasama ang mga karera sa 32, 21, 16, 10 Solo , 10 Buddy, lima at tatlong kilometro. May dalawang bagong kategorya – ang isang kilometro upang maakit ang mga bagong sasali at ang espesyal na Masters Marathon para sa mga edad 60 pataas – subalit ito ay gaganapin sa Muntinlupa lang muna.


Balik sa kinagawiang petsa at ngayon ay may mga pagbabago na tiyak ikatutuwa ng inaasahang 40,000 na mananakbo sa Peb. 4 at 5 ay ilalarga sa Muntinlupa, Cebu at Davao.


Maaaring magpalista online ng run 7-eleven 11th edition hanggang Enero 22.


Magbayad lamang ng takdang registration fee o bumili ng mga produkto ng sponsor upang makalahok.


Halos pareho ang gagamiting ruta sa huling patakbo noong Setyembre, 2022 subalit babaguhin sa Cebu upang makadaan sa bagong bukas na tulay ng Cebu Cordova Link Expressway. Iikot pa rin ng apat na beses sa loob ng Filinvest City sa Muntinlupa at isang balikan naman ang daan mula SM City Davao.


May naghihintay na gantimpalang salapi para sa lahat ng magwawagi at aabot hanggang P25,000 para sa mga kampeon ng Marathon. Dagdag dito, ang pinakamabilis mula sa pinagsamang resulta ng tatlong lungsod ay ipapadala sa isang karera sa ibayong-dagat bago matapos ang taon.


Noong Setyembre 2022 ay ginanap ang 10th edition na face-to-face kasunod ng dalawang taon na ito ay naging virtual race. Ang mga kampeon ay ipinadala sa Techcombank Ho Chi Minh International Marathon noong Disyembre kung saan dinomina ng mga Pinoy ang podium sa 42 at 21 kilometro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page