top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

May bagong bahay, bitbit ang mga gamit, Chiz…HEART, SA CONDO NA NAKATIRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 12, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 12, 2022



Tanong ng mga fans, nasa bansa na raw ba si Heart Evangelista na ang alam nila ay nasa Paris?


Isa pang tanong ng fans ay kung bago ‘yung vlog ni Heart ng tour sa kanyang one-bedroom condo unit.


Kaya lang, sa dami ng gamit ni Heart at sa dami ng kanyang fur babies, parang masikip ang one-bedroom condo unit para sa kanya.


Sabagay, sinabi naman nito na sa condo unit niya ginagawa ang mga meeting niya at itine-tape ang content sa kanyang vlog.


Ipinakita rin ni Heart sa kanyang condo tour ang workspace niya, ang kanyang kitchen at appliances na kasya lang sa kanyang condo.


May nag-comment nga na baka mas malaki pa ang walk-in closet ni Heart than her one-bedroom condo unit. Nakita naman ng mga nakapanood sa kanyang vlog kung gaano karami ang laman ng kanyang walk-in closet.


Pero, may disclaimer ang vlog ni Heart bago pa mag-isip ng kung ano ang mga netizens.


Nakalagay na: “Here’s another short tour of my new home away from home.”


So, tama nga, halfway house lang niya ito at para sa mga meetings niya at content shoot at hindi pa siya magsasarili ng bahay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page