May back-up dancer pa sa sayaw… HARRY ROQUE, INSECURE, AYAW MASAPAWAN NI ROBIN SA KAMPANYA
ni Nitz Miralles - @Bida | March 23, 2022

Pinansin namin ang pag-itim ni Harry Roque, kumakandidatong senador sa UniTeam tiket nina Bongbong Marcos at Sara Duterte at sabi nito, iitim pa siya lalo dahil mahaba pa ang campaign period.
Sikat na si Harry noong maging spokesperson ni President Rodrigo Duterte at mas sumikat during the campaign nang magsayaw.
Pagmamalaki ni Harry, ngayon, may choreography na ang pagsasayaw niya at may back-up dancer na siya. Dahil din sa pagsasayaw sa kampanya, kilala na si Harry ngayon as “The National Dancing Teddy Bear” at ang sayaw niya ay tinawag na “The Harry Roque Moves.”
“Kailangan kong sumayaw para mapansin ng tao dahil kapag nasa stage na si Robin, nagtitilian na ang tao at hindi na kami napapansin. Kapag kumanta pa siya, nakakalimutan na kami ng tao. Kumakanta rin ako, pero inirereserba ko ang boses ko sa pagsasalita para hindi ako mamaos. Saka sa pagsasayaw ko, I lose weight. Dapat ding makita na tao rin ako at masayahin,” sabi ni Harry.
Wala sa Top 12 si Harry sa senatoriables, pero naniniwalang mapapasama siya sa Magic 12 lalo na ‘pag ipinaalam na ang plataporma niya at mga plano kapag nanalo.
May pakiusap si Harry sa GMA Network na magkaroon ng senatorial debate para mas makilala sila ng mga botante.
“Nakikiusap ako sa GMA at Comelec to have a public forum para makilala kaming hindi mga frontrunner.”
Bilang abogado, nag-comment din si Harry sa kaso nina Ana Jalandoni at Kit Thompson.
“Dapat siyang makulong (si Kit). Hindi tama na nananakit ang kalalakihan. Walang lugar ang violence sa isang relasyon.”





Comments