May baby na raw ngayon… SIGAW NI AJ: IBANG BABAE ANG SUMIRA SA RELASYON NINA KYLIE AT ALJUR
- BULGAR
- Aug 21, 2023
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 21, 2023

Hindi na nakapagpigil si AJ Raval at nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Aljur Abrenica.
Kasalukuyang nasa Canada sina Aljur at AJ and lately nga ay panay ang post nila ng mga bonding and sweet moments nila sa nasabing bansa.
Dahil dito ay naglabasan na naman ang kanilang mga haters and bashers na tutol na tutol sa kanilang relasyon. Kaya naman marahil ay napikon na rin si AJ at nag-live streaming sa kanyang Facebook page at in-address ang matagal nang akusasyon sa kanya ng mga tao na ‘home wrecker,’ ‘kabit,’ ‘mang-aagaw,’ etcetera.
“Magsasalita ako ngayon kasi sobra na, sobra na ang sinasabi ng mga tao. May nabasa ako du’n, hindi ko na sasabihin ang mga exact words niya, pero idinadamay na ‘yung buong pamilya ko,” simula ng Vivamax Queen.
Nakilala raw niya si Aljur nang magsama sila sa pelikulang Nerisa na ipinalabas sa Vivamax.
Naging magkaibigan daw sila that time at “kuya” pa ang tawag niya sa aktor. Lumipas ang ilang panahon at nagsimula na raw itong manligaw sa kanya.
Matagal daw na nanligaw sa kanya si Aljur at nilinaw daw niyang maayos ang estado ng relasyon nito with his estranged wife Kylie Padilla.
“Tinanong ko siya, ‘Paano ‘yung wife? Paano ‘yung family? Sabi niya sa akin, ‘Okay lang ‘yun,’ hiwalay na talaga sila, may partner na rin si Kylie that time. So, nag-go ako,” kuwento ng sexy actress.
“So, ang sinasabi ko lang dito, ‘di baleng tawagin n’yo na akong kabit and all, siguro ‘yun ang tingin sa akin ng ibang tao dahil kasal nga si Aljur. Pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon, mamatay man ang buong pamilya ko ngayon, nag-start ‘yung relationship namin nang wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao. Ganu’n nag-start ‘yung relationship namin,” patuloy ng anak ni Jeric Raval.
Hindi raw siya home wrecker at kilala raw niya ‘yung sinasabing ‘other woman’ na involved sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.
“Ayokong mag-name drop pero kilala ko kung sino ‘yung totoong babaeng involved talaga sa panloloko nilang dalawa sa relationship nila,” aniya.
Nang manligaw daw si Aljur sa kanya, after a year pa niya ito sinagot.
“A year after, du’n kami naging official, last year, July,” she revealed.
Nakiusap din si AJ sa mga bashers na tigilan na sila pati na ang akusasyon na mayroon silang anak.
“Tama na, guys (ang pamba-bash). Saka pakinggan n’yo si Kylie. Tama na ‘yung pagta-tag sa kanya, nananahimik ‘yung tao, ini-stress n’yo. Ini-stress n’yo lahat.
“Alam n’yo kung sino ang atakihin n’yo? ‘Yung talagang taong gumawa ng kasalanan sa kanila,” she said.
“Saka enough na please, enough na du’n sa mga baby-baby issue and buntis and all. Hindi nangyari ‘yun, okay? Walang ganu’n. Hindi ako nakakapagsalita, dito lang sa live ko, sa page ko, kasi hindi talaga ako nabigyan ng chance na magsalita, na protektahan ‘yung sarili ko,” paglilinaw ni AJ.
Tungkol sa babaeng naging dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur, ayon kay AJ ay ayaw na niyang ibunyag pa kung sino ito dahil may baby na rin daw ito ngayon at nakaraan na rin naman daw ‘yun.
“Pero nu’ng hindi pa kami ni AJ (Aljur), Nerisa time pa lang ‘yun, ‘yung movie namin, friends pa lang kami, may nakita akong article. ‘Yung article na ‘yun, lumabas talaga ‘yung totoong girl, may article.
“Tapos, hindi pinansin ‘yung article kasi ‘yung girl, hindi naman siya ganu’n kakilala. Kaya nu’ng ako na, single na si Aljur, ako ‘yung pinuntirya ng mga tao. Kasi medyo lumalabas na rin naman ako sa mga movies nu’n,” tsika pa ni AJ.





Comments