May anak na, 'di pa rin niyayaya… MERYLL, UMAASANG PAKAKASALAN NI JOEM
ni Julie Bonifacio @Winner | January 22, 2023

Never kumalas sa pagkakakapit sa isa’t isa sina Meryll Soriano at Joem Bascon habang ini-interview namin sa Christmas party ng workshoppers from Batch 1 to 29 ni National Artist Ricky Lee.
Nakapag-celebrate sila ng Pasko sa family ni Joem at sa tiyahin ni Meryll, ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Nasa Japan ang ina ni Meryll na si BecBec. Super busy naman daw ang ama ni Meryll na si Willie Revillame kaya ‘di sila nagkita nu’ng Pasko.
Bago nag-Pasko ay isinelebreyt ni Meryll ang birthday niya at ng anak nila ni Joem na si Gido.
Magkasama sina Joem at Meryll sa Kapamilya serye na The Iron Heart kung saan sa Cebu ang location ng taping.
“Hindi naman mahirap (mag-taping). Mas importante na kasama ko siya kasi nagbe-breastfeed pa ako. So, ‘yun ‘yung isa sa mga ini-request ko sa kanila bago nag-start ‘yung show, na kasama sa Cebu ‘yung baby, sa hotel. At least, ‘di ba uuwi ako na kasama ko siya?” pahayag ni Meryll.
May kasama rin daw sila na nagbabantay kay Gido kapag sabay nakasalang sa set sina Meryll at Joem.
“Pero ang hirap! Nakakaawa rin siya. Naka-stuck lang siya ru'n sa loob ng hotel room. So, kailangang ilabas sa swimming pool. 'Di ba, sa hotel naman, may play area?
"Nakakaawa siya kasi sanay siya na malawak siya. Dahil sa bahay (namin), ang daming activities.
Hindi naman kasi ‘yun ma-Ipad. So, yes, active siya,” kuwento ni Meryll.
By this time, maaaring nakabalik na ulit sa Manila sina Joem at Meryll with Gido from Cebu para sa taping ng The Iron Heart.
Napag-usapan na nila kung ano ang arrangement nila sa pagtanggap ng offer.
“‘Yun ang mga dini-discuss namin bilang mga magulang. Kasi siyempre, nu’ng umpisa, parang ang rule namin, hindi kami puwedeng magsabay. Para ‘yung isa, talagang nakatutok.
Pero siyempre, kailangan nang mag-work nang todo-todo. Ganoon, sa akin si Gido, definitely,” sabi ni Meryll.
Wish ni Meryll na tumigil na sa pagpapa-breastfeed kay Gido this year. Nahirapan din daw kasi siyang tumanggap ng project habang nagpapa-breastfeed pa sa anak.
“Oo, priority ko ang pamilya ko. At siyempre, last ko na! Hindi ko na kaya, 40 na ako. 'Pag 50 kasi, mataas na ‘yung risk. Ayaw na namin. Gusto ko pa ng isa talaga,” diin ni Meryll.
Inamin naman ni Joem na ayaw na rin niyang magka-baby pa sila ni Meryll.
“Natatakot na ako for her. Kasi siyempre, gusto ko namang i-enjoy. Kababalik lang naming dalawa. Gusto ko namang i-enjoy ‘yung magkasama kaming dalawa,” saad ni Joem.
Sa pagpasok ng Bagong Taon, mas naniniwala raw sila sa “intention” more than “resolution.”
“Ah, naniniwala kami sa intention. Ano ba ang New Year’s intention natin for 2023? Dapat makapag-work nang maigi at mag-ipon. Kasi magpapaaral ng dalawa pa (anak),” say ni Meryll.
Tinanong namin ang dalawa kung may plano ba silang magpakasal ngayong taon.
“Secret,” nakangiting sabi ni Meryll. “Pero siyempre, iba pa rin 'yun. Unification ‘yun, eh.”
Anyway, pagdating sa pamamahala sa pagbuo ng mga shows ni Willie para sa AllTV, never daw nag-ask si Meryll na bigyan siya ng show ng kanyang ama.
Pero kung alukin sila ng show ni Willie, willing na willing ang parents ni Gido na tanggapin ang offer.
“'Di pa kami inaalok. Pero siyempre, kung may work, bakit hindi, 'di ba? Work is work kahit saan pa mang channel 'yan,” ani pa ni Meryll.





Comments