top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

May 6 na Rolex sa koleksiyon… 1 RELO LANG NI SHARON, PAMBILI NA NG MANSION

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 12, 2022




Bukod sa kanyang collection ng mga branded at designer bags, nakakalula rin ang halaga ng mga relong nasa collection ni Megastar Sharon Cuneta na kanyang ipinasilip sa kanyang vlog.

Milyones ang halaga ng bawat relo na kapresyo na halos ng isang mansion.


Hindi lang isa kundi anim na diamond-studded Rolex ladies watch ang nasa collection ni Shawie. May yellow gold at merong white gold na Rolex na napapalamutian ng mga diamonds.


Dito masusukat kung gaano kayaman si Sharon Cuneta. Hindi lang siya milyonarya kundi billionaire with her assets and properties.


Bukod sa Rolex ladies watch ay meron din siyang Omega ladies watch na punumpuno ng diamonds, bukod pa sa ibang mamahaling relo.


Nakakalula sa ganda ang watch collection ni Shawie.


Tuwing birthday daw niya noong siya ay artista na ay nireregaluhan niya ng relo ang sarili. Meron ding iniregalo sa kanya ang kanyang Papa Pablo Cuneta.


Curious ang mga Sharonians kung ano ang tatak ng relo na iniregalo ngayon ni Sharon sa kanyang sarili. Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Megastar recently. Naikuwento rin ni Shawie na niregaluhan din niya ng Rolex watch ang anak na si KC Concepcion.


Well, mukhang hindi namana ni KC ang hilig ng kanyang Mommy Shawie sa mga designer watch dahil hindi siya nagpo-post sa social media. Bags and perfumes ang hilig ni KC kaya 'yun ang nasa kanyang vlogs.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page