top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May 25 million followers naman daw… WILLIE, TULOY SA PAGTULONG KAHIT WALANG SHOW SA ALLTV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 10, 2023




Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa showbiz ang diumano'y pagre-resign ng Wowowin host na si Willie Revillame sa AllTV Network.


May iba't ibang versions at espekulasyon ang mga netizens sa mga kaganapan sa buhay ni Willie, at lahat ay nag-aabang sa kanyang magiging pahayag.


Ang latest tsika nga ay ipina-terminate na raw ni Willie ang kontrata niya sa AMBS dahil ang katwiran niya, ayaw niyang maging pabigat pa sa AllTV. Ipinapaubaya na raw niya ito sa mga taong ang linya ay pagpo-produce ng game show.


Ngunit nangako naman si Willie na patuloy pa rin siyang mamimigay ng tulong sa mga nangangailangan.


May 25 million followers ang Wowowin sa Facebook at YouTube kaya malakas pa rin ang impact nito sa publiko.


May mga bagay namang pagkakaabalahan si Willie habang hindi pa bumabalik ang kanyang programang Wowowin. Nakapag-record na siya ng bagong single, ang Binuo Mo Ako na komposisyon ni Vehnee Saturno under Viva Records.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page