top of page
Search
  • BULGAR

May 2 girls na… MISTER NI ARA, LALAKI ANG GUSTONG MAGING FIRST BABY NILA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 1, 2024



Showbiz Photo
File photo: Ara Mina / FB


Usapang-business na rin lang, kahapon ay pormal na ring ini-launch ang newest ride-hailing app na PeekUp na makakalaban nang kilala nang Grab.


At knows n'yo ba kung sino ang founder nito sa Pilipinas? 


Well, ang napakasimple at so approachable and press friendly lang namang si Laguna 1st District Congressman Dave Almarinez, husband ni Ara Mina.


Inamin ng politician-entrepreneur na siyempre, bilang paghahanda sa future ng magiging anak nila ni Ara at ng kanilang pamilya ang pagpasok nila sa bagong business venture na additional lang sa halos may 10 nang iba't ibang negosyo na pinasok ng kongresista.


Bilang public servant, bukod sa layuning kumita ay gusto rin ni Cong. Dave na makatulong sa ating mga kababayan lalo na't pahirap nang pahirap ang transportasyon ngayon sa Pilipinas.


Kaya naisipan nilang magtayo ng PeekUp na magiging kakumpitensiya nga ng Grab para at least, magkaroon ng option ang mga pasaherong nahihirapan at 'di na kinakaya ang mataas na pasahe at alalahanin sa kanilang seguridad.


Magbibigay din ito ng dagdag-trabaho sa maraming kababayan natin kaya naman in-announce kahapon ni Sir Dave na open pa rin sila sa pagtanggap ng mga operators-drivers na gustong ipasok ang kanilang sasakyan para maging bahagi ng PeekUp.


Ang tiyak na magbe-benefit dito ay ang mga pasahero dahil may pagpipilian na nga sila.

Good news pa ang sinabi ng mister ni Ara na bukod sa mas mura ang pasahe sa kanila kesa sa Grab, mas malaki rin ang kikitain ng mga drivers, kaya no wonder talaga na maraming kostumer ang maglipatan ngayon sa PeekUp.


Actually, March pa pala nag-umpisang mag-operate ang PeekUp at may one thousand drivers na raw ang nakakalat sa buong Pilipinas para magserbisyo sa ating mga kababayan, pero kahapon nga lang ito nagkaroon ng official launching.


Hapon na dumating si Ara Mina sa event kaya nakaalis na kami at hindi na namin siya nainterbyu, pero very accommodating naman ang kanyang mister na sinagot lahat ng mga gusto rin naming itanong tungkol sa relasyon nilang mag-asawa, bukod sa bagong negosyong pinasok nila.


Ani Sir Dave, very supportive wife sa kanya si Ara, same thing kung paano rin niya ito sinusuportahan sa showbiz career nito.


At kahit pareho silang busy, naniniwala raw silang kapag panahon na para magkaroon sila ng baby, kusang darating 'yun. 


At dahil pareho na nga silang may anak na babae ni Ara sa kani-kanilang previous partner, ang gusto raw sana ni Cong. Dave ay boy naman ang maging unang anak nila ng misis para may magdala sa apelyido niya.


Naku, hindi naman siguro isusunod sa "PeekUp" ang name ng anak nila kung saka-sakali, chos! 


Well, congrats sa bagong business venture ng mag-asawa at sana nga ay maging tagumpay ito dahil ayon na rin kay Cong. Dave, marami pa silang planong negosyong bubuksan soon!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page