top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

May 14 daw, pero walang naganap na kasal kay Bea… VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 15, 2026



WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulating

Photo: FB / Circulated





Spotted ang fiancé ni Bea Alonzo na si Vincent Co sa event ng kanilang company kahapon, May 14.


Patunay lang ito na walang kasal na naganap kina Bea at Vincent na napabalitang kahapon nga gaganapin sa Spain matapos diumanong ma-move mula sa unang napaulat na May 16. 


Although, few days ago ay may mga naglabas nang hindi tuloy ang kasal nila sa naunang reported date na May 14.


Anyway, hindi lang si Vincent ang present sa malaking event ng dating one-stop shopping mart. Present din sa event ang kanyang ina na si Susan Co. 


Pamilyar ang name ng ina ni Vincent sa showbizlandia noong nagsisimula pa lang ang business nila. May mga showbiz ganap kasi noong early 2000 na present si Aling Susan. May mga kaibigan kasi siya na mga celebrities na tumulong sa kanya para mai-promote ang kanyang business.


Ewan lang namin if until now ay tsitsika pa rin ang magulang ni Vincent sa mga taga-showbiz na kaibigan niya noon.


Kung nandito sa Pilipinas si Vincent and his family, nasa Spain naman ang ina ni Bea at iba pang close sa aktres.


Pero sa simula pa lang ng news sa kasalang Bea at Vincent, may nagtsika na sa amin na malabong sumakay ng eroplano at lumipad patungong Spain ang parents ng businessman. 


Hindi na raw kakayanin ng mga magulang ni Vincent ang magbiyahe.

So, as of this writing, wala pa talagang naganap na kasal kina Bea Alonzo at Vincent Co.





Sen. Bato, sapul sa post… 

KIM, WALANG GULO KUNG SUSUKO ANG NAGSASABING WALANG KASALANAN



Isa si Kim Chiu sa mga celebrities na nag-post sa social media ng kanilang saloobin sa nangyaring kaguluhan sa Senado nu’ng Miyerkules nang gabi.

Hindi nakapagpigil ang host ng It’s Showtime (IS) na i-express ang kanyang disappointment sa nangyari, bagama’t hindi first time kumuda si Kim bilang reaksiyon niya sa mga hindi magagandang pangyayari sa bansa.


Post ni Kim sa X (dating Twitter), “Grabe! Ano’ng nangyayari sa Pilipinas? Bilang normal na Pilipino at nagbabayad ng tamang buwis, sa aking opinyon, walang mangyayaring ganito kung kusang susuko ang taong nagsasabing wala s’yang kasalanan. 


“Panghuli at huli, eto ba ang ibinoto n’yong senador na nagsasabing magsisilbi sa ating bayan? Panahon na para pag-isipan natin na bumoto ng tama (brokenheart & sad emoji).”


Wala mang binanggit na pangalan si Kim, maingay naman ang isyu ng biglang paglutang at ngayon ay muling pagkawala diumano ni Sen. Bato dela Rosa.

Notorious si Kim sa pagbibigay ng mga personal views niya sa bansa. And in fairness to her, tumaas na ang kanyang social awareness.


Pagkatapos niyang maglahad ng kanyang opinyon, tiyak na pag-uusapan. Madalas pa, mas nagiging big deal pa sa mga netizens ang opinyon ni Kim kaysa sa totoong isyu.


Tulad na lang ng pag-post niya ng kanyang reaksiyon sa kaguluhan sa Senado. Ito ang sey ng mga netizens…


“Sa dami ng nagpahayag ng opinion nila sa nangyari sa Senado, talagang opinion lang ni Kim Chiu ang pinakaginagawang usapan. Marami ring nagtatanggol pero bakit s’ya lagi ang puntirya ng mga bashers? Kasi People's Superstar s’ya. Hehehe! Iba ka, Kimmy, ang lakas mo sa tao.”


“She’s always relevant at grabe ang influence kaya ang daming na-threaten. But you can never stop her. She’s smart enough to know her stand. S’yempre, one of the highest taxpayers at laging handang tumulong sa kapwa-Pinoy ‘pag kinakailangan, ‘di katulad ng iba d’yan na walang SILBI.”


“Correct. Hahaha! Wala s’yang paki kahit ang daming bashers.”


‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page