top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

MAXENE AT MISTER, 2 BESES NAGPAKASAL, 3 TAON LANG NAGSAMA, HIWALAY NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 20, 2022



Hindi na itinago sa publiko ni Maxene Magalona at inamin na hiwalay na sila ng kanyang mister na model-musician na si Rob Mananquil. Nagwakas na ang tatlong taon nilang marriage na inakala ng kanilang mga kaibigan ay magtatagal at magiging maligaya.


Ikinasal sina Maxene at Rob noong Jan. 2018. Dalawang beses nga silang nagpakasal.


Una ay sa isla ng Boracay at isang church wedding.


Naging masaya naman ang unang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Pero nang dumating ang COVID pandemic ay sinubok ang tatag ng kanilang relasyon.


Aminado si Maxene na may matindi siyang pinagdaanan na nakaapekto sa kanyang mental health.


Madalas na silang nag-aaway ni Rob, pero inunawa at sinuportahan siya ng kanyang mister.


Nagbakasyon pa sila sa Bali, Indonesia upang pareho silang makapag-isip-isip sa kanilang marital problem.


Pero dumating na nga sa point na hindi na talaga sila magkasundo at tuluyan nang nagdesisyon na maghiwalay.


Single and childless ang status ngayon ni Maxene Magalona. Hindi sila biniyayaan ni Rob ng anak, ngunit hindi naman ito nangangahulugan na miserable at malungkot si Maxene. Positibo pa rin ang kanyang pananaw at magsisimula siya sa bagong journey ng kanyang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page