MAX, MAS SHOCKING PA ANG PAGBUBUYANGYANG KESA KAY CARLA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 24, 2023

Ayon sa ilang netizens, mas shocking at mas daring daw ang latest pictorial ng Kapuso actress na si Max Collins kumpara sa sexy pictorial na ginawa ni Carla Abellana.
Sign din ba ito ng kanyang revenge o sadyang liberated lang talaga si Max Collins at walang pakialam sa sasabihin ng iba?
But for sure, kung sila pa rin ni Pancho Magno ay hindi basta-basta magbubuyangyang sa kanyang pictorial si Max. Tiyak na hindi siya papayagan ng kanyang mister.
Anyway, masaya naman si Max sa kanyang buhay ngayon. Malaya niyang nagagawa kung anuman ang kanyang gustong gawin para sa kanyang career. May bagong serye siyang gagawin sa GMA Network at nakakapag-guest din sa mga shows ng GMA-7.
Papasok ang character ni Max Collins sa afternoon soap na Abot-Kamay Na Pangarap kasama si Dion Ignacio na gaganap na asawa niya. May breast cancer siya at magiging pasyente ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Bentahe para kay Max Collins na puwede siyang ipareha sa iba-ibang aktor. Mas lumalawak ang kanyang kaalaman sa larangan ng pag-arte.





Comments