top of page
Search
  • BULGAR

Mavy, pinaiyak si Carmina

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 8, 2024


Napaiyak ni Mavy Legaspi ang kanyang inang si Carmina Villaroel sa isang episode ng "Sarap, 'Di Ba?," matapo niyang ihayag ang isang heartwarming message para sa Mother's Day.


Binanggit ng Sparkle actor na strong ang kanyang ina dahil sa pagharap nito sa lahat ng kritisismo, at idiniing hindi na nila kailangang pumatol sa mga bashers.


“Kayang-kaya mo. ‘Di na kailangan magsalita, ‘di na kailangan i-justify or fight the criticism. Lahat ng criticisms or hate kasi wala ‘yun, bored lang sila sa buhay nila,” ani Mavy.


“At the end of the day, I know in their hearts, kahit may criticism whatsoever, they all have their own mothers that they love. We don’t need to fight back,” pagpapatuloy niya.


Inihayag din ni Mavy na nakadepende lamang ang mga bashers sa mga posts o interviews, kaya't hindi nila lubusang nakikita ang laman ng puso ni Carmina.


“It looks like na hindi tayo lumalaban, we don’t need to. Kasi 'yung biggest strength that you have is deep inside there na. Hindi nakikita ng mga tao,” paliwanag niya.


“‘Yung mga nakikita ng [mga] tao is mga posts, mga comments, interviews, and all that. Pero hindi nila nakikita ang anong laman ng puso ni Mama, and that’s my biggest blessing.” dagdag niya.


Matatandaang binansagang "Mama's boy" ng mga netizens si Mavy matapos ang mga tsismis na kontrolado ni Villaroel ang buhay ng kanyang kambal, na sina Mavy at Cassy Legaspi. Iniugnay rin ang pagiging mama's boy ng aktor sa isyung hiwalayan ng kanyang umano'y ex-girlfriend na si Kyline Alcantara.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page