top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

MAVY AT KYLINE, PINAGHIWALAY NI CARMINA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 1, 2023





May nakapagtsika sa amin na nakarating pala kay Carmina Villaroel ang diumano'y sobrang pagiging selosa ni Kyline Alcantara kaya't may moment umano na nasasaktan nito physically si Mavy Legaspi.


"Hindi naman battered boyfriend, kaya lang kapag daw tinotopak si Kyline, basta-basta na lang nitong nasasaktan si Mavy. Nandu’ng kurutin, hampasin ng kung anong madampot o ‘di kaya'y pagtampuhan. Lalo na raw kapag may naririnig itong ibang babae na umano'y napapalapit kay Mavy," ang litanyang kuwento ng aming kausap.


Kaya naman daw to the rescue nga si Mina, ang nanay ni Mavy, at pinayuhan na umano itong makipaghiwalay na dahil unhealthy nga raw ang ganu’ng relasyon.


Mga Ka-BULGAR, naitsismis lang po ito sa amin, ha? Hindi tayo sure kung ano ang totoo rito.


Sinubukan naming kontakin ang mga malalapit kay Kyline na kaibigan namin to get some info on this, pero kahit sila ay walang sinasabi dahil personal issue naman daw ‘yun.


Hmmm...



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page