MATTEO, OBYUS NA ANDER DE SAYA KAY SARAH
Updated: Aug 1, 2022
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 31, 2022

May mga nakakapansin na palang netizens na parang ‘ander de saya’ raw si Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo.
Sa vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi ay napag-usapan nila ito at ipinakita ang isang TikTok video na compilation ng mga ginagawa ni Matteo for Sarah.
Makikita sa video na naggo-grocery ang mag-asawa at may kinuhang isang item si Matteo. Pero sinabi ni Sarah na ‘wag na itong kunin kaya isinoli naman agad ng aktor.
Makikita rin na tinuturuan ni Sarah si Matteo ng mga dance steps ng hit song niyang Tala at nakakatuwang sunod naman nang sunod ang aktor kahit na nga ba napakahirap ng mga steps at parang awkward sa kanya.
Ang pinakamalupit ay ang video na nagpapahinga si Matteo sa couch at nakapikit pa siya nang bigla siyang tawagin ni Sarah. Dali-daling napabalikwas ang aktor at halos madapa na sa pagmamadali na lumapit sa asawa.
Well, kung sakali mang ‘ander de saya’ nga si Matteo ay wala namang masama rito at hindi naman ito kabawasan sa pagkalalaki ng isang mister. Para sa mga babae, siyempre ay sweet ang ganitong attitude at nakakakilig.
But we don’t think naman na ander de saya si Matteo. Baka mas tama pa 'yung overprotective husband or stage husband, haha!
A night of glitter and glamour ang ginanap na red carpet premiere night ng pelikulang Maid in Malacañang last Friday night, July 29 sa SM The Block.
Talaga namang nagniningning ang mga kasuotan ng cast na nagsidalo lalo na nga ang mga girls sa kani-kanilang formal gown.
Sa totoo lang, sobrang nakakatuwa na balik na naman ang mga premiere nights sa showbiz na mahigit 2 years ding nawala because of the pandemic. Sobrang na-miss namin ang ganitong event at sana nga’y magtuluy-tuloy na.
Anyway, present ang buong cast sa red-carpet premiere na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Ella Cruz, Diego Loyzaga (dumating na kasama ang inang si Teresa Loyzaga), Kiko Estrada, Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.
Of course, naroroon din ang direktor na si Darryl Yap, ganundin ang mga Viva big bosses sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.
Dumalo rin sa premiere si Sen. Imee Marcos na isa rin talaga sa mga namuno ng proyekto.
Mahusay si Cristine bilang Imee Marcos at hindi maipagkakailang pelikula niya ito. Kitang-kita sa movie na papa’s girl talaga si Sen. Imee at siya ang pinakapaboritong anak ni dating President Ferdinand Marcos.
Magaling din si Ella as Irene Marcos sa kanyang highlight scene with Cesar Montano na gumaganap na Pres. Marcos.
May sarili ring moment si Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos. Bongga ang eksena niya with his father at talagang ang hahaba ng kanyang mga linya.
Bongga rin ang eksena ni Ruffa as Madame Imelda Marcos with Diego.
Binigyan talaga ni Direk Darryl ng kani-kanyang shining moment ang kanyang mga artista including the 3 maids na ginampanan nina Karla, Beverly and Elizabeth.
Pero si Cristine talaga ang lutang na lutang sa kabuuan ng movie.
Tinatalakay ng pelikula ang last 3 days ng pamilya Marcos sa Malacañang at maraming ipinakita sa movie na talagang hindi alam ng mga tao at wala sa history books.
Gustung-gusto namin ang last part kung saan ay ipinakita kung ano ang nangyari sa tatlong maids after the EDSA revolution. Nakaka-touch ang nangyari kay Yaya Santa na ginampanan ni Karla at na-happy naman kami na buhay pa hanggang ngayon si Yaya Biday na ginampanan ni Beverly at kasalukuyan pa ring kasama ni Madam Imelda.
Ipapalabas na ang Maid in Malacañang sa Aug. 3 sa mga sinehan.





Comments