MATTEO, NAGSALITA NA SA 'DI PAGPAPAPASOK SA KANILA NI SARAH SA SUBDIVISION NG MGA BIYENAN
- BULGAR
- May 17, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 17, 2023

Another explosive interview ang muling ipinamalas ni King of Talk Boy Abunda sa kanyang afternoon show sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda kay Matteo Guidicelli noong Lunes, May 15.
Walang pinalampas na isyu si Kuya Boy kay Matteo at sa misis niyang si Sarah Geronimo.
Magmula sa concert, sa isyu sa choreographer na si Teacher Georcelle Dapat-Sy, sa gusto nilang maging anak ni Sarah, hanggang sa hindi matapus-tapos na hidwaan nila ng kanyang parents-in-law ay naitanong talaga ni Kuya Boy kay Matteo.
Once and for all, binigyang-linaw ni Matteo ang kumalat na isyu tungkol sa pagpunta nila ni Sarah sa bahay ng mga magulang nito na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.
There was one time raw na nagpunta sina Matteo at Sarah sa subdivision na tinitirhan nina Mommy Divine at Daddy Delfin pero hindi sila pinapasok dahil may instruction ang mga magulang ni Sarah na huwag silang papasukin.
Tanong ni Kuya Boy kay Matteo, "Is that true? Second, how is your relationship with your parents-in-law?"
Sinagot ni Matteo ang pangalawang tanong ni Kuya Boy na iginagalang niya ang kanyang in-laws at hiling niya ay maayos din ang lahat sa kanila.
Pagkatapos ay tinanong uli ni Kuya Boy si Matteo kung true ang kuwentong nasagap niya na nagtangka sila na puntahan ang kanyang in-laws sa bahay nila.
"Uhm, nakalimutan ko na, Tito Boy, eh," kasunod ang tawa ni Matteo na halatang iniiwasan ang tanong.
Pagkatapos ay binalikan ni Kuya Boy ang tanong niya kay Matteo tungkol sa kuwentong pagpunta at 'di pagpapapasok sa kanila sa subdivision na tinitirhan ng mga magulang ni Sarah.
At dito, kinumpirma ni Matteo at inamin na not once but several instances daw ay tinangka nila ni Sarah na puntahan ang mga magulang nito.
"There were several instances but you know, to speak about it in detail, it's best to keep that private para you know, for respect to them, 'di ba?" malumanay na sabi ni Matteo.
Naintindihan ni Kuya Boy si Matteo at agree siya na baka hindi makatulong sa dasal ng mister ni Sarah na magkaayos na sila ng kanyang in-laws kapag nagsalita pa siya tungkol sa insidente.
"Yeah, they're my in-laws and I wish to love them. I wish to love them for Sarah's sake and for the family's sake," paliwanag pa ni Matteo.
Comment ng mga netizens, sana raw ay mag-effort pa sila ni Sarah para magkaayos na sila. Pero, sey ng isang netizen, "Nag-effort siya, sila ni Sarah, pero, 'di nga sila pinapapasok sa village.
Panoorin ninyo 'yung interview. Tinanong 'yan sa kanya kung totoo and it seems true, kasi halos 'di niya sagutin. Pahapyaw niya lang sinagot ang tanong, kasi nga naman, baka lalong maging magulo ang sitwasyon nila."
Ang ibang netizens naman ay nalungkot para sa mga taong malalapit kay Sarah na unti-unting nawawala sa kanyang tabi.
"Just felt bad for Sarah. Una 'yung parents niya, ngayon naman ay nagkalamat sila ni Teacher Georcelle ng G-Force na matagal niyang nakasama for almost 20 years na nasa showbiz siya.
Pero pinasalamatan pa rin naman niya ang G-Force sa kanyang 20th anniversary concert kahit na hindi present ang mga ito."





Comments