top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MATTEO, BABU NA SA CAR RACING PARA KAY SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 16, 2023




Maraming viewers ang nag-abang sa unang pagsalang ni Matteo Guidicelli sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit.


Mabilis naman na nakapag-adjust si Matteo sa kanyang mga co-hosts sa nasabing morning show na sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Connie Sison, Suzie Entrata, Maris Umali at iba pa.


Nagpakita ng kanyang skill sa pagluluto si Matteo. Ipinagluto niya ng Italian pasta ang mga hosts ng Unang Hirit. Feeling at home agad si Matteo at excited na siya sa pagiging co-host ng nasabing morning show.


Kalmadung-kalmado na humarap sa kamera ang mister ni Sarah Geronimo. Nauna na rin kasi siyang mag-guest sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Dito ay ipinakita ni Matteo ang ginawa niyang pag-skydiving bilang bahagi ng kanyang training sa Special Forces. Nag-train din si Matteo bilang reservist sa PSG (Presidential Security Guards) na na-feature rin sa KMJS.


Hilig din talaga ni Matteo ang car racing. Ibinahagi niya na 11 years old pa lang siya ay marunong na siyang mag-drive at ang isa sa mga pangarap niya ay ang makasali sa Formula 1 Race.


Itinuturing din na "triathlete" si Matteo dahil sa hilig niya sa sports at sa dami ng kaya niyang gawin.


Pero, ngayong may asawa na siya, hindi na sumasali pa si Matteo sa car racing dahil ayaw niyang mag-alala ang kanyang asawang si Sarah Geronimo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page