top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

“Matitino at tapat” sa pulisya, nadadamay sa mga pasaway!

BULGAR
Mar 14, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 14, 2021



Kinasuhan na ang 11 suspects sa pagkamatay ni Christine Dacera kabilang ang mga pulis na sinira ang ebidensiya.


Panibagong batik sa PNP!


◘◘◘


Kinukumpirma ng “Dacera case” na hindi nagbabago ang ilang pulis tulad sa naganap sa


Visconde Massacre—sinisira ang ebidensiya pabor sa mga suspek.


Matagal nang ganyan ang modus ng ilang pulis!


◘◘◘


Kinumpirma na positibo sa COVID virus si PNP Chief Debold Sinas.


Siya mismo ay hindi sumusunod na protocol!


◘◘◘


Kung sinusunod ni Sinas ang protocol, imposible na magkaroon siya ng COVID.


‘Yan din mismo ang isyu kay DILG secretary Eduardo Año.


Hindi nila sinusunod kung ano ang itinatadhana ng protocol—kaya’t sila ay tinatamaan ng COVID!


◘◘◘


Kapag hindi sinusunod ng mga nagpapatupad ng batas ang protocol, nawawalan sila ng moral na mag-utos o mag-implement nito.


Sa Japan, resignation ang katumbas nito.


Sa Pilipinas, pakapalan na lang!


◘◘◘


Marami ang natuwa nang malaman ng taumbayan na may bagong Officer-in-charge ang PNP sa katauhan ni General Guillermo Eleazar.


Magkakaroon ngayon ng pagkakataon si P-Digong na maibalik ang reputasyon at kaayusan sa loob ng PNP!


◘◘◘


Kahit ang paglaban sa CPP-NPA ay hindi naman talaga trabaho ng PNP—‘yan ay mas responsibilidad ng AFP.


Pero, ang pulis ang dumarakip sa mga “kalaban ng AFP”—at ang masama, nagkakaroon ng patayan sa Pinoy kapwa Pinoy!


◘◘◘


Bakit kinakailangang PNP ang magtrabaho ng responsibilidad ng AFP?


Nasaan ang ISAFP?


◘◘◘


Kahit ang pagsugpo ng illegal drugs ay hindi responsibilidad ng PNP, bagkus, ito ay mas responsibilidad ng PDEA.


Eh, bakit PDEA ang inaresto at binugbog ng PNP?


Hindi maganda ang ganyang klase ng proseso!


◘◘◘


AFP dapat ang lead agency kontra CPP-NPA.


Alam ‘yan ng mga eksperto sa batas!


◘◘◘


Ang PDEA dapat ay lead agency kontra illegal drugs.


‘Yan mismo ang batas!


◘◘◘


Malinaw na hindi sinusunod ng PNP ang kalakaran o protocol o ang tamang regulasyon.

Kumbaga sa basketbol, kapag hindi naipatutupad ng referee ang tamang regulasyon sa liga ng basketball, rumble ang nagaganap sa hard court.


Kailangan pa bang ipaliwanag ito nang todo?


◘◘◘


Kahit OIC lamang, isang malaking paghamon kay Gen. Eleazar na ibalik ang katinuan ng mga pulis.


Nagawa na ito ni Eleazar nang siya ang hepe ng QCPD, hepe ng Calabarzon at hepe ng NCRPO!


◘◘◘


Nang i-floating ni P-Digong si Eleazar at italaga ang mga “bata ng taga-Davao”, nagkaletse-letse ang implementasyon ng batas.


May pagkakataon pa ang PNP na makarekober.


Kaawa-awa naman ang natitira pang “matitino at tapat” na miyembro ng Pambansang Pulisya!


◘◘◘

Nababayaran ang ilang imbestigador ng pulis ng mga suspek mula sa mayayamang angkan kaya’t iniimbento ang police report.


Hindi ito dapat maganap!

◘◘◘


Taliwas sa pulisya, excellent naman ang performance ng NBI.


Ibig sabihin, ang NBI ay siyang salbabida ni P-Digong sa kapalpakan ng mga pulis sa nagdaang ilang buwan!

◘◘◘


Sunud-sunod ang mga kaduda-dudang pagpatay na kinasasangkutan ng mga pulis.


Mabuti na lamang at may NBI na hindi nadidiktahan ng mga “hoodlum” sa gobyerno!


◘◘◘


Dapat pasalamatan ni P-Digong ang NBI dahil ito ang nagpapatunay na hindi niya kinukunsinte ang kawalanghiyaan sa loob ng kanyang administrasyon.


Mahalaga ang papel ng NBI ngayon.


Naibalik nito ang reputasyon ng NBI sa panahon ni dating pangulong Marcos!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page