top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matinding stress ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng maraming Pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 17, 2021



Minasaker ang buong pamilya bago nagpatiwakal ang isang bus driver na nawalan ng trabaho sa Biñan, Laguna.


Isang kaso rin ito ng krisis sa COVID!



◘◘◘


MATINDING stress ang tunay na dahilan ng mga pagpapakamatay ng maraming tao.


Dinededma lang ito ng mga awtoridad!


◘◘◘


SA totoo lang, maraming puwedeng komplikasyon ng stress.


Ang stress ay hindi dahil sa COVID.


Ito ay dahil sa lockdown!


◘◘◘


MARAMI na rin ang kaso ng cardiac arrest o atake sa puso bukod pa ang stroke.


Ito ay sanhi rin ng matinding stress!


◘◘◘


HINDI ibinibilang ang mga namatay sa sakit sa puso bilang casualty ng COVID.


Pero, malinaw na casualty sila sanhi ng lockdown!


◘◘◘


MAGKAHIWALAY na isyu ang lockdown at COVID.


Puwedeng may krisis ng COVID, pero puwedeng walang lockdown!


◘◘◘


BUKOD sa COVID at lockdown, maselang isyu ang economic crisis.


Hindi lang stroke o heart attack ang mararanasan sa economic meltdown, bagkus ay ang pagkasira ng moralidad at lipunan!


◘◘◘


ANG economic crisis ay nagdudulot ng paglala ng kriminalidad.


At batay sa ilang pagsasaliksik, ang krisis sa ekonomiya ay posibleng pagmulan ng social unrest!


◘◘◘


ISANG maselang isyu kung gayun ang COVID, lockdown at economic crisis.


Mahalagang maunawaan ito ng matataas na opisyal ng gobyerno at ordinaryong mamamayan!


◘◘◘


KAPOS ang kakayahan at resources ng gobyerno upang resolbahin ang tatlong aspekto ng krisis.


Mahalagang sumaklolo o makipagtulungan ang ordinaryong tao at pribadong sektor sa gobyerno upang maresolba ang krisis sa ating henerasyon!


◘◘◘


HINDI na kailanman, magbabalik ang normal.


‘Ground zero’ sa kalendaryo ang 2020.


Unang taon ng “after COVID period” ang 2021 at ikalawang taon ang 2022.


May bago nang marka ang kalendaryo sa bagon milenyo.


‘Yan ang bagong normal!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page