top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Matinding Boltahe, ang tumama sa Batang Pier

BULGAR
Jun 24, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | June 24, 2022



Nagpamalas ng pwersa at lakas ang Meralco Bolts ng dominahin ang Northport Batang Pier sa iskor na 97-87, kagabi upang makuha ang solo second place sa pagpapatuloy ng mga aksyon ng 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Maagang pinalubog ng Meralco ang Batang Pier sapol ng makuha ang 7-6 na kalamangan sa 8:42 ng first period hanggang sa hindi na ito binitawan na umabot pa sa 27 puntos na bentahe para sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro.

Nanguna sa puntusan ang nagbabalik na si Aaron Black sa itinalang 20pts, habang nag-ambag din sa first five si Allein Maliksi sa 16pts, samantalang nagbida rin sa bench points si Chris Banchero sa 16pts gayundin ang 11pts ng beteranong si Reynel Hugnatan.

Sinimulan ni Maliksi ang atake ng Meralco sa maagang 10 puntos sa first period para makuha ang 32-22, habang inilaan naman lahat ni Reymar Jose ang 9 na puntos sa second period para ibaon ang Batang Pier sa 19-pt lead sa 56-37 sa pagpasok ng halftime.

Nagpatuloy sa pagkana ng puntos sa third canto sina Black, Hugnatan at Banchero na pinaabot ng dalawang beses sa 26-pt lead sa 74-48 sa 3:45 at 77-51 sa 3:09 ng laro mula sa dos ni Noy Baclao at tres ni Banchero patungo sa 83-61 sa pagpasok ng 4th period.

Dinala na sa biggest lead na 27-puntos sa 88-61 sa nalalabing 9:37 ng final canto sa lay-up ni Baclao, subalit tinapyas ito ng Batang Pier sa 12-puntos sa 92-80 sa nalalabing 4:09 matapos ang 19-4 run nina Malonzo, Bolick, Ayaay, Santos at Jerick Balanza. Gayunpaman, muling pinaabot ito sa 17-pt lead nina Black at Maliksi upang mahirapan ng makaahon pa ang Batang Pier.

Mga laro ngayong araw (Biyernes) (Mall of Asia Arena – Pasay City)


3:00 n.h. – Phoenix Super LPG vs Magnolia Timplados Hotshots

6:00 n.g. – San Miguel Beer vs. Brgy. Ginebra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page