top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matindi ang pangangailangan… HIPON GIRL, MAY SERYE NA, TODO-RAKET PA KAYA LAGING NGARAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 23, 2023




Anu-ano ba ang mga pinagkakaabalahan ngayon ni Herlene Budol? May mga tsika na nagsasabing kapag dumarating daw siya sa teyping ng serye niyang Magandang Dilag ay ngarag na ngarag ang hitsura niya at halos walang energy.


Kaya may mga nagtatanong kung tumatanggap pa raw ba si Herlene Budol ng mga raket at extra na pagkakakitaan?


Dapat ay sa kanyang seryeng Magandang Dilag niya ibuhos ang kanyang panahon.


Paghandaan niyang mabuti ang kanyang role upang makasabay sa kanyang mga leadingmen na sina Benjamin Alves at Rob Gomez.



Dapat na mag-concentrate si Herlene sa kanyang acting career. Kailangan na seryoso siya sa kanyang trabaho kung gusto niyang tumagal sa showbiz.


Huwag niyang sayangin ang big break at magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA Network! Marami ang naiinggit sa maganda niyang kapalaran.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page