Matindi ang diskarte ng Cam From Behind
- BULGAR
- Sep 26, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 26, 2023
Diskarte at pasensiya ang naging susi ni class A rider Kelvin Abobo upang maipanalo si Cam From Behind sa 2023 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.
Mabilis na humarurot sa largahan sina Flattering You at La Liga Filipina kaya naiwanan nila ang mga katunggali kasama si Cam From Behind na nasa tersero puwesto.
Sa kalagitnaan ng karera patuloy ang lutsahan nina Flattering You at La Liga Filipina habang nasa malayong tersero pa rin si Cam From Behind na may agwat na mahigit 10 kabayo.
Papalapit ng far turn ay unti-unting umusad si Cam From Behind kina Flattering You at La Liga Filipina kaya naman sa rektahan ay nakakapit na ang winning horse.
Bahagyang bumuka si Cam From Behind pero lumampas pa rin ito sa huling 100 metro ng karera, tinawid nito ang meta ng may isang kabayo ang lamang sa pumangalawang si Dambana.
Inilista ni Cam From Behind ang tiyempong 2:08.2 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P1.2-M premyo.
Nasikwat ni Dambana ang P450,000 habang tig-P250,000 at P100,000 ang kinubra ng third at fourth placers na sina La Liga Filipina at Enigma Uno ayon sa pagkakasunod.
Samantala, pitong karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Martes na bibitawan din sa parehong lugar, suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Isa sa aabangan ng mga karerista ang labanan ng mahuhusay na kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Sister Moon (6), Don Pedro (1)
Race 2 - Achi Holly (5), You Never Know (7), Noon Charm (6)
Race 3 - Sky Plus (5), Empire Ruler (2)
Race 4 - Song Of Silver (3), Action Rules (6)
Race 5 - Super Hawk (6), Nards Bentetres (1)
race 6 - Keep Da Trick (7), Jewel Of The Nile/A.P. Factor (3/3A), Silab (8)
Race 7 - Thriller (2), Spoiled Brat (6), Don Damiano (3), Quid Pro Quo (1)





Comments