top of page

MATET, UMAMING TANGGAP NA NILANG MGA ANAK NI NORA SI JOHN RENDEZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2023
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 25, 2023



ree

Hindi ma-gets ni Matet de Leon kung saan nanggaling ang request ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor during her speech sa kanyang 70th birthday noong May 21.


Hiniling kasi ni Nora na tanggapin si John Rendez ng kanyang pamilya at magkasundo na sila.


Nu’ng nakausap namin si Matet sa contract signing ng bago niyang pelikula titled Unspoken Letters ay laking-gulat niya kung bakit nasabi ‘yun ng kanyang Mama Guy.


Paliwanag ni Matet, “Hindi po ako ‘yung kausap niya. Kasi, kagagawa ko lang ng movie with Kuya John, eh, nu’ng January. Baka si Mommy, hindi ko alam kung sino ang kausap ni Mommy.


Hahaha! Pero nakikita naman niya kami na okay kami ni Kuya John. Okey din ako sa mommy ni Kuya (John), sa mga kapatid niya. Okay naman.”


Kaya nagtataka si Matet kung bakit nasabi pa ‘yun ni Ate Guy sa kanyang birthday celebration.


“Hindi ko alam kung gusto lang niyang gumawa ng statement, or… pero hindi kaming mga anak niya ang kausap niya,” sambit ni Matet.


Follow-up namin kay Matet, baka naman ang tinutukoy ni Ate Guy ay ang iba pa niyang anak gaya nina Lotlot, Kiko, Kenneth at Ian de Leon?


“Okay na rin sila ni Ate (Lotlot),” diin ni Matet. “Kasi si Ate for the longest time, si Ate Lot kasi, uh, hindi talaga ‘yun nakikita sa bahay ni Mommy or kahit saan around Mommy. Hindi mo talaga makikita si Ate.


“Pero ngayon, ang ate ko, pumupunta sa bahay ng mommy ko, nandoon si John. So, hindi mo puwedeng sabihin na hindi pa rin niya tanggap kasi nandoon ang ate ko. Pumunta si Ate sa party ni Mommy. So, hindi, tanggap ng lahat. Baka nakalimutan lang ni Mommy,” ngiti ni Matet.


Maging si Ian daw ay okay na sa kanya si John.


“Opo,” pagsang-ayon ni Matet. “Kasi kapag may mga event sa bahay ni Mommy, kasama namin sa isang table si Kuya John. Nag-uusap kami. Saka nu’ng nag-Bicol kami, kami rin ang magkakasama. May inuman pang nagaganap sa gabi, sila Kuya (Ian).”


Tingin ba ni Matet, kaya ‘yun nasabi ng kanyang Mama Guy ay tila nararamdaman ng aktres na hindi genuine ang pakikipagkasundo nila kay John?


“Baka ganoon,” ani Matet. “Hindi ko po sigurado, ha? But she knows. Kasi nakikita niya kami.


Okay kaming lahat. Although, nu’ng December nga, lumabas ako sa vlog ni Ogie (Diaz) at sinabi ko na ayoko nang makausap si Mommy forever, as in, that time, seryoso ako. Talagang ayoko na.


Kaya lang, ‘yun nga, eh, nag-chat siya sa akin na 'Kalimutan na natin ‘yun, Anak, or kung anuman ‘yun.'”


Depensa pa ni Matet sa sarili, “Matanda na ‘yung nanay ko. So, sa akin, lunukin ko na ‘yung pride ko. Lunukin ko na ‘yung kahihiyan sa sinabi kong hindi ko na siya kakausapin. Unahin ko na ang nanay ko kesa mga Marites. Unahin ko na ang mommy ko kesa sa mga nang-bash sa akin.”


Anyway, ang Unspoken Letters ang ikalawang pelikula na gagawin niya this year. Katatapos lang niya ng movie starring Arci Muñoz, ang Sweet Escape, kung saan sa Bohol pa ang location nila.


Sister-in-law si Matet ng young actress na si Jhassy Busran sa Unspoken Letters. Asawa siya ni Orlando Sol na kapatid nina Tonton Gutierrez at Gladys Reyes, at tatay nila si Simon Ibarra.


“May pagka-ano ito, parang mabait siya na hindi ‘yung character ko. Oo, parang two-faced, ganoon,” say ni Matet.


Si Gat Alaman ang sumulat at magdidirek ng Unspoken Letters with award-winning directors na sina Paolo Bertola at Andy Andico, produced by Utmost Creatives.


Planong isali sa 2023 Metro Manila Film Festival ni Direk Gat ang Unspoken Letters.



“Hopefully, sana po, maipasok. Kasi alam n’yo po talaga, hindi usual ‘yung ganitong ano, ganitong project. Uh, kailangan natin ‘tong ganitong pelikula para maintindihan ang mga tao na may mental health issues or uh, hindi sila basta dini-disregard, hindi ganoon, eh. Marami silang matututunan sa pelikulang ‘to. Sana, pumasok sa filmfest. Maganda, eh,” dasal ni Matet.


Kasama rin sa Unspoken Letters sina Gladys Reyes, Glydel Mercado, Kristine Samson, MJ Manuel, Deborah Sun, Daria Ramirez at John Heindrick.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page