top of page

Napuno, magpapasaklolo na sa abogado… WILL AT MADIR, SINABIHAN NG BASHER NA MAMATAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 4, 2025



Klea

Photo: Will Ashley - IG



Biktima ng bullying ang singer-actor na si Will Ashley at idinamay pa ang kanyang nanay, na ikinagulat namin dahil ibig sabihin, ganoon katindi ang galit ng taong may sama ng loob sa kanya.


Ini-retweet ni Will sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon ang ipinadalang mensahe sa kanya ng isang taong walang pagkakakilanlan.


Ito ang mensahe, “Mamatay ka na. Gag*, tang*** mo, mamatay ka na, hayop! Pangit ng nanay mo.”


Pahayag ni Will, “I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week?


“We are just doing our job, working for our craft, our art. Bakit kailangan itapon natin ang morality? O baka sadyang masama lang talaga kayong tao and can’t wait to wish ill on others. Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko.


“Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art. Also, my friends know better than you. Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nada-drag nang walang dahilan. And this isn’t just happening to me, pati sa ibang housemates.


“We built a strong bond in the house, hindi n’yo ito masisira. Not everything we do is a calculated PR (public relations) move. We are humans too. 4 months kaming magkakasama, supporting each other every day through some of the toughest days of our lives, so obviously close talaga kami.


“Sana all the fans, including the very few of mine na gumagawa nito, let’s tone it down, please. Lahat kami, we are just working for our dreams. Lahat kami, mahal ang trabaho namin.”


Kumausap na si Will ng abogado para sa isyung ito at itine-trace na rin kung saan nagmula ang post na ito kahit pa wala siyang pagkakakilanlan.


Sabi pa ni Will, “I am consulting now for legal options in case this doesn’t stop. I don’t want to tolerate this hate anymore na ibinabato n’yo sa kahit sino.


“Not me, not my friends, and especially not my family. This is not a good use of our limited time on earth. Sana, use your time to spread love, positivity, and support. Lastly, thank you to my fans who fight for me kahit minsan mahirap.


“Maraming salamat sa pagsama pa rin sa akin sa journey ko, kayo ang lakas ko. Know I appreciate you all and mahal ko kayong lahat.”


Walang larawan ang nagpadala ng mensahe at base sa mga sinabi nito ay sobra ang galit sa Sparkle artist dahil pati magulang nito ay idinamay pa.


Dismayado si Will sa mga natanggap na mensahe, at hindi lang pala ito ngayon nangyari, may ilang linggo na, kaya nagtataka siya kung bakit may hate messages siya. Base sa pagkakakilala namin sa batang ito, napakagalang, well-mannered, at mahal ng lahat dahil down-to-earth siya. Napanood naman siya sa loob ng Bahay ni Kuya sa nakaraang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) at doon nakita ang ugali niya, kaya nga favorite siya ng lahat.


Gusto naming isiping inggit ang dahilan ng taong gumawa nito kay Will dahil napakaganda ng nangyayari sa career ngayon ng aktor. Bukod sa kaliwa’t kanang product endorsements, may dalawang pelikula siyang kasama sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Bar Boys After School (BBAS) at Love You So Bad (LYSB), at may series pa na Hotel 88 (H88).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page