Humirit na may sindikato sa noontime show… ANJO, NAGPAPAGAMIT DAW SA KALABAN, BINANATAN ANG EB!
- BULGAR

- Nov 4, 2025
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 4, 2025

Photo: FB / Anjo Yllana
“Politically motivated ‘yan,” komento ng mga netizens na nakapanood ng hanash ni Anjo Yllana laban sa Eat… Bulaga! (EB!).
Marami ang nagtaka sa ginawa ni Anjo dahil inakala ng lahat na kapamilya ang turing niya sa minsang nagbigay-sigla rin sa kanyang showbiz career bilang Dabarkads sa EB!.
“Politics is the main issue. May mga taong may isyu kay Tito Sotto kaya’t may mga gaya ni Anjo na gusto nilang gamitin para sirain ito. Kung sa palagay ni Anjo, as per his words ay may sindikato sa EB!, s’ya rin naman ay halatang nagpapagamit sa sindikato ng pulitika. Gawain ng mga talunan ‘yan,” segue pa ng netizen.
For the record, maraming beses nang pumasok sa larangan ng politics si Anjo. May tsika pang naging ‘consultant’ siya ng isang senador matapos siyang matalo noong nakaraang eleksiyon.
Nagkaroon din siya ng noontime show dati na tumapat sa EB! at sinabi rin niya noon na “Trabaho lang at walang personalan,” kaya tinanggap niya ang noo’y trabaho na agad din namang natsugi sa ere.
“Sa socmed (social media) na lang s’ya nagpapapansin,” hirit pa ng isang netizen.
May resibo na, Kathryn…
DINNER DATE NINA DANIEL AT KAILA, PINAGPIYESTAHAN

Kung ang pinag-uusapang ‘dinner date’ pictures nina Kaila Estrada at Daniel Padilla ang pagbabasehan, tunay ngang may proof sa mga balitang nagkakamabutihan na ang dalawa.
Bukod sa pagsuot nila ng Halloween costume at pakikisaya sa mga friends noong Undas, bigla ring naglabasan ang mga litrato nila na enjoying dinner somewhere.
“May malinaw nang proof ng date night ang KaiNiel,” sigaw ng mga netizens at mga shippers ng dalawa.
May lumabas ding tsika na sabay daw pinanonood ng dalawa ang Pinoy Big Brother (PBB) stint ng younger sister ni DJ at ready daw na magbigay nang wagas na suporta ang dalawa sakaling kakailanganin na ito ni Lella.
“Let’s just be happy for them,” dagdag pa ng mga nagsasabing bagay ang dalawa at masaya silang tingnan.
Pambato ng ‘Pinas…
AHTISA, SUPORTADO NG MGA THAI PEOPLE SA LABAN SA MISS U 2025

MEANWHILE, kung pagbabasehan ang success ng stints ng SB19 at ni Ahtisa Manalo sa Thailand, maipagmamalaki talaga natin bilang Pinoy.
Una, soldout ang Simula at Wakas (SAW) concert ng SB19 sa Thailand noong November 2. Bukod sa mga Pinoy na nasa Thailand, dinagsa rin ang show ng mga Thai locals at ilang foreigners na nagbabakasyon doon.
Sey ng ating mga ka-A’TIN, kahit may language barrier, walang dudang nag-enjoy to the max at well-received ang grupo. Very Pinoy na Pinoy daw ang reception sa kanila.
Considering na ilang beses na ring nag-cancel ng show sa Thailand, masasabing hindi sila binigo ng audience sa pagbibigay ng suporta sa first time nilang show doon.
“Ganu’n sila kamahal ng mga Thais,” sigaw ng mga ka-A’TIN.
Meanwhile, the same Thais who gave support to our 4th Miss Universe in 2018 are the same ones who are now giving Ahtisa support.
“Actually, mas dumami pa sila. Para ngang mas supported pa nila ang pambato natin kaysa sa panlaban nila. Iba ring magmahal ang mga Thai,” komento ng mga beaucon vloggers natin na naroon sa Thailand.
Sa November 21 pa magaganap ang coronation night ng ika-74th edition ng Miss Universe. Halos nasa ikatlong araw pa lang si Ahtisa roon, pero lagi na siyang napag-uusapan at nasa number one sa mga surveys sa socmed (social media) dahil sa suporta ng Thai people.








Comments