top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MATET, IN-OFF ANG COMMENT BOX NG IG PARA 'DI MARESBAKAN NG FANS NI NORA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 11, 2022



Matutuwa ang mga Noranians dahil muli nilang mapapanood sa telebisyon si Nora Aunor. Matagal na nilang inaabangan na muling mapanood na umaarte ang favorite actress nila at matutupad ang kanilang wish.


Magge-guest kasi si Nora sa isang episode ng Wish Ko Lang at kahit in-announce pa lang ang guesting nito, marami na ang excited. Wala pa lang details kung ano'ng episode at kung kailan ang airing ng guesting ni Nora.


Samantala, wish ng mga fans nina Nora at Matet na magtuluy-tuloy nang mamatay ang isyu sa mag-ina na nagsimula sa competition ng kanilang tuyo at tinapa gourmet business dahil nalulungkot sila lalo’t magpa-Pasko pa naman. Dahil sa nangyari, parang wala raw magiging reunion si Nora with her kids.


Maganda rin ang ginawa ni Matet na i-limit ang puwedeng mag-comment sa comment box ng kanyang Instagram account para wala nang makapag-comment at sumawsaw sa isyu nila ng ina.


‘Yung friends lang niya ang nakakapag-comment, kaya hindi na rin siya naaaway ng ilang Noranians.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page