top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Matatapos na ang termino ni P-Digong, bola lang talaga ang katapusan ng ilegal na droga!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 20, 2021



Bumungad na ang Bagyong Auring.


Nanangkupooo!


◘◘◘


Paluluwagin na ang lockdown ngayong Marso.


Sobra-sobra nang parusa ang isang taon!


◘◘◘


Nabuburyong na si P-Digong sa mabagal na delivery ng COVID vaccine.


Bakit kaya hindi na lang ipa-Grab?


◘◘◘


Nakalapag na sa planetang Mars ang Perseverance lander.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


Matatapos na ang termino ni P-Digong pero laganap pa rin ang illegal drugs.


Talagang bola-bola lang!


◘◘◘


Malabo nang mabuksan pa ang ABS-CBN television.


Parang walang nawala, ha?


◘◘◘


Nakarekober lahat at walang namatay sa mga tinamaan ng bagong variant ng COVID-19.

Kitam, aminado silang nananakot lang ang mga eksperto.


Ibinabala kasi ng mga ekperto na mas mapanganib ang bagong variant!


◘◘◘


Matagal na nating binabanggit dito nang paulit-ulit na humupa pa ang kamandag ng COVID-19.


At tumpak ang ating opinion at pahayag taliwas sa mga eksperto!


◘◘◘


Ekonomiya na ang dapat pokus, alisin na ang regular ng updates ng DOH sa media.


Palitan na ito ng updates sa economic status.


‘Yan ang dapat gawin ng Malacañang!


◘◘◘


Kalimutan ang COVID-19, maaaring mawala na ang bilang ng nagkakasakit bago pa dumating ang bakuna.


Gobyerno ang naghihintay ng bakuna—malaki kasi ang “patong” d’yan!


◘◘◘


Lumabas kayo ng kalye, normal na ang galaw ng tao.


Ang gobyerno at media na lang ang hindi normal!


◘◘◘


Kapag hindi ka nakikinig ng mga balita at pahayag gobyerno—mapapansin mo na talagang normal na ang buhay sa Metro Manila.


Sa mga lalawigan, matagal nang normal ang buhay nila.


He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page