Matapos malubog sa baha… AI AI SA MGA TAGA-MARIKINA: 'DI NATUTULOG SI LORD!

ni Nitz Miralles - @Bida | November 17, 2020

Pati si Ai Ai delas Alas, namigay ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina. Bukod sa relief goods, may mensahe rin si Ai Ai sa mga taga-Marikina at ang sabi, "Hindi natutulog ang Panginoon.”
Kamakailan lang, nagdaos ng kanyang 56th birthday si Ai Ai at kahit simple ang celebration dahil ang asawang si Gerald Sibayan, ang mom niya at mga kasambahay na kung tawagin niya ay “angels” at “pilots” (drivers) lang ang kanyang kasama, masaya pa rin ang komedyana lalo't sinorpresa siya ng kanyang mga kasama sa bahay, binigyan ng surprise party at birthday gifts na kahit simple, galing sa ipon nila mula sa kanilang mga suweldo.





Comments