Matapos ireklamo ng pambubugbog ng driver ni Rhian… MICHELLE, INILANTAD NA ANG ANGPAO
- BULGAR

- 34 minutes ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 18, 2026

Photo: MIchelle Dee / Instagram
Gets na gets ng mga netizens ang humor sa campaign ad ng beauty queen-aktres na si Michelle Dee (MMD) na isinabay sa Chinese New Year. Kesa naman seryosohin masyado, idaan na lang sa laugh trip.
Ang tinutukoy namin ay ang poster para sa bagong ad campaign ng ine-endorse na bank ni Michelle.
Naka-pang-Chinese costume ito at may hawak na red envelope o angpao sa poster.
Tumatak na kay MMD ang nawawalang angpao na pinag-ugatan ng kontrobersiya na kinasangkutan nila ng best friend niyang si Rhian Ramos matapos ireklamo ng pambubugbog ng driver ng huli.
Ibinuyangyang niya ang mahiwagang angpao.
Reaksiyon ng mga netizens…
“Winner marketing strategy.”
“Sa C_i_abank, secured ang angpao mo. Love it, queen, asarin mo pa sila lalo.”
“‘Yan ate, go, laruin mo lang. Hahahaha!”
“Laugh trip. Pero grabe, ang classy Ms. Dee.”
“Hahaha! ‘Yan, dapat inaabot, ‘di ninanakaw.”
“Love it. Well executed, as advised and directed by her spin doctor. Kudos to her PR team.”
Kung may naaliw, may nang-asar din kay Michelle. Sey ng mga Marites…
“In fairness, ang laki pala ng angpao n’ya. Parang envelope na.”
“Share mo naman kung ano nasa loob.”
“Mayabang din talaga s’ya ano?”
Ganern?!
IBINULGAR ni Sam Milby ang pamumudmod ni Kim Chiu ng pera sa location shoot ng kanilang drama series na The Alibi: Ang Buong Katotohanan (TAABK).
Ayon kay Sam, “Nu’ng nagsu-shoot kami ru’n sa bahay n’ya ng character ni Kim, we were shooting in an area that is not as well-off. But ‘yung ginawa ni Kim, she’s just giving out thousand pesos, thousand pesos, thousand pesos. She’s giving out so much money du’n sa mga tao na nasa area.
“She’s just giving out money to help the people in the area and I was like, kahit gusto ni Kim, I just appreciate her more. I wanna let people know na ganu’n ang ginawa n’ya.
“She doesn’t want to share that but nakita ko ‘yung ginawa n’ya. She’s giving out money to people na nangangailangan du’n sa area and it was such a nice thing na nakita ko na ginawa ni Kim. Kaya mas lalo kong na-appreciate si Kim Chiu.”
Ikinuwento ito ni Sam sa mediacon ng TAABK kung saan katabi niya sina Kim at Paulo Avelino. At habang sinasabi ni Sam ang ginawa ni Kim, birong palahad-lahad naman ng kamay si Paulo sa kanyang mga kalapit para manghingi ng pera.
Kaya todo-paliwanag si Kim kung bakit niya ginawa ang pamumudmod ng pera sa set ng serye.
“Nakakaabala kasi kami sa lugar. ‘Di naman lahat ay nabibigyan ng bayad sa lugar na ‘yun. Pero very pleasant lahat ng mga tao ru’n. Support-support talaga sila.
“At ‘di mo na hihingin na tumahimik sila. ‘Di ko na hinihingi ‘yung suporta nila. Pero parang it feels like home, it feels very close. Parang kapatid ko silang lahat. ‘Uy, pasensiya na kayo.’
“Nagugulat sila. Naabala sila in their daily life yet they support us. ‘Di sila nagagalit at ‘di sila naninigaw sa amin. So in exchange, I gave them a little something,” esplika ni Kim.








Comments