Matapang na ulit ang Philippine Coast Guard sa pagbabantay sa WPS, may backup kasi sa mga ‘Kano
ni Ka Ambo - @Bistado | May 30, 2021
Dalawa ang patay, 11 ang sugatan at 2 ang nawawalang pulis nang mang-ambush ang NPA sa Occidental Mindoro.
Palparan pa more!
◘◘◘
BIGLANG tumapang ang Philippine Coast Guard sa pagbabantay sa West Philippine Sea kontra China.
Nasa likod kasi ang mga ‘Kano!
◘◘◘
DARATING pa ang sangkaterbang bakuna mula sa WHO na suportado ng US.
Gusto nilang sapawan ang Beijing!
◘◘◘
NAGKAKAISA ang European military alliance.
Sila ang alyansa ng U.S. kontra China.
Ang Pilipinas, ‘nganga’ lang muna!
◘◘◘
HABANG lumalakad ang panahon, patindi nang patindi ang girian ng U.S. at China.
Walang ibang kauuwian ‘yan kundi ang digmaan!
◘◘◘
WALANG nang balita tungkol sa India.
Pero sangrekwa pa rin ang tinatamaan ng COVID sa kanila!
◘◘◘
DINUDUMOG na ang COVID vaccine sa Metro Manila.
Akala siguro nila ay may sangkap itong gluta!
◘◘◘
KALIWA’T kanan pa rin ang nasasakoteng shabu.
Hindi talaga ito masugpo!
◘◘◘
SOBRANG higpit ang mga bansa sa mga dumarating na dayuhan.
Sobrang bagsik kasi ang bagong variant ng COVID!
◘◘◘
NAGLAHO na ang COVID sa Metro Manila dahil sa mataas na temperatura.
Nagtatakbo ang COVID sa mga lalawigan kung saan mas maayos ang klima!
◘◘◘
UMABOT na sa 60 milyong ang rehistradong botante.
Nasaan ang higit sa 40 milyon sa 100 milyong Pinoy?
Hindi ba sila boboto?
◘◘◘
WALA nang duda na kakandidato si Yorme bilang pangulo ng bansa.
Marami na ang nag-o-organisa para sa kanya!
◘◘◘
IDINEDEKLARA ng kanyang mga amuyong si Mayor Sara para sa 2022.
Ereng si Sen. Manny Pacquiao, sige lang ang lihim na preparasyon.
Nagkakasya naman sa laylayan si VP Leni, nag-aabang na muling makatsamba!





Comments