Matalino at madiskarteng lider, ‘yan ang dapat maging pangulo!

ni Ka Ambo - @Bistado | February 7, 2021
Hindi lang ang ordinaryong Pinoy ang baon na baon sa utang, bagkus ay ang mismong gobyerno ng Pilipinas.
Gayunman, sa taong ito, may sapat pang dolyares ang Bangko Sentral na ipambabayad sa utang sakaling aktuwal na tumigil ang kalakalan o kaya’t magkapatung-patong ang krisis.
Pero, paano sa susunod na mga taon?
◘◘◘
Maging ang US at Japan ay sobra ang pagkakabaon sa utang.
Pero, ang pagkakaiba nila sa Pilipinas ay heto: May malaking resources ang U.S. at Japan upang mapasigla ang ekonomiya, pero ang Pilipinas ay walang pagkukunan ng “pambayad” sa hinaharap!
◘◘◘
Maselan ang implikasyon ng krisis na ito sa eleksiyon sa susunod na taon.
Kailangan ng Pilipinas ng batikang ekonomista at negosyante upang maiahon ang Pilipinas sa pagkabangkarote!
◘◘◘
Delikadong matulad ang Pilipinas sa Italy, ang ikatlong bansa sa daigdig na baon sa utang.
Hindi nakayanan ng Italy na bayaran ang mga utang—kaya’t nakaranas ito ng krisis—bago pa mag-COVID!
◘◘◘
Worst na mangyari o maranasan ng Pilipinas ay ang sitwasyon ng Venezuela.
Wala nang pera ang gobyerno, sobrang taas pa ng bilihin at kapos ng suplay.
Hindi nagawa ng China na saklolohan ang Venezuela!
◘◘◘
Ang eleksiyon sa 2022 ay magiging kakaiba dahil hindi lang ang popularidad ang kailangan bertud ng presidentiable, bagkus ay talino, karanasan at diskarte sa larangan ng modernong pangangalakal.
Ibig sabihin, kahit masyadong popular si Sen. Manny Pacquaio ay hindi siya nakakatiyak!
◘◘◘
Dapat nating maunawaan na tinalo ng ekonomista ang masyadong popular na si Da King o FPJ.
Isang ekonomista si dating Pangulong GMA na siyang unang nagsulong ng VAT—isang batas na nagpapatag na gobyerno dahil sa pagpasok ng bilyun-bilyong buwis sa kaban ng bayan!
◘◘◘
Gayunman, si ex-PGMA ay ordinaryong economic professor sa unibersidad bago siya nagging pangulo.
Wala pang pangulo na mula sa industriya na maaaring mag-angat sa ekonomiya ng Pilipinas!
◘◘◘
Sa sitwasyong may sobrang krisis, lumulutang ang mga pangalan nina Ramon Ang at Manny Pangilinan.
Big boss ng San Miguel Corporation at iba pang dambuhalang negosyo si Ang samantalang si Pangilinan at bossing ng PLDT at iba pang negosyo!
◘◘◘
Sa bandang huli, maaaring maka-partner na lamang sina Ang o Pangilinan sa mga popular na kandidato tulad nina Pacquiao, Bongbong Marcos at Mayor Sara.
Kailangan natin ang “economic team” sa 2022 at hindi “bara-bara gang” sa larangan ng pulitika!





Comments