top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Matagal nang type, Chiz… ALDEN, GAME GASTUSAN SI HEART MAKASAMA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 22, 2024




Seryoso sa kanyang pagiging direktor at producer si Alden Richards. Nasimulan na niya ang isang movie na co-produced niya with Viva Films, pero naghahanap pa rin siya ng magagandang projects at istorya na puwedeng gawing movie. 


Nang magkita sila ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa 50th anniversary ng Mowelfund, marami ang nagsasabi na bagay din silang magkasama sa movie. 


At nang magkita rin sila ni Heart Evangelista, nabanggit ng Pambansang Bae na si Alden ang kagustuhan niyang makasama sa movie ang wife ni Sen. Chiz Escudero.


Si Alden din ang magdidirek at magpo-produce nito. Kaso, kailangan daw na naiiba at bagay sa personalidad ni Heart ang movie lalo’t may pagka-fashionista ang datingan nito. 


Well, mukhang excited naman si Heart na muling umarte at gumawa ng pelikula dahil matagal-tagal siyang tumigil gumawa ng serye, lalo’t tumutok siya sa kanyang career bilang fashion icon sa ibang bansa. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page