top of page

Matagal nang nali-link sa kanya… MARKKI, UMAMIN NA TUNGKOL KINA MARVIN AT PIOLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 15, 2022





Matagal nang usap-usapan sa mundo ng showbiz ang diumano'y relasyon ng indie-BBL actor na si Markki Stroem at ng actor-entrepreneur na si Marvin Agustin.


Bagama't idinadaan sa BI (blind item) ang delikadong isyu, may ilang showbiz personalities umano ang saksi sa Markki-Marvin 'special friendship'.


Lumutang ang mga isyu o tsismis sa pagitan nila lalo na nu'ng umaming bisexual ang dating singer at ngayo'y isang indie actor na.


At bukod kay Marvin, naging bulung-bulungan din ang closeness ni Markki sa isa pang aktor na pinagdududahan din ang gender, si Piolo Pascual.


May umiikot na kuwento sa showbiz na habang close friends sina Markki at Marvin, naging close rin ang una kay Papa P. dahil kumakanta siya dati sa Kapamilya Sunday program kung saan sila nagkakilala.


Matagal nang wala si Markki sa show habang si Papa P. nama'y nagbalik nitong last Sunday lang.


Ang mga isyu ni Markki sa dalawang aktor ay kanyang binigyang-linaw sa programa ng Nanay ng Bayan na si 'Nay Cristy Fermin sa kanyang Cristy Per Minute program nitong nakaraang araw.


Unang sinagot ni Markki ang tanong ni 'Nay Cristy sa kanya tungkol sa ugnayan niya with Marvin.


Aniya, "Si Marvin, friend ko 'yun, hanggang ngayon, friends pa rin kami. And in my opinion, it is our world, we can be friends with whoever we want to be and minsan, we're good friends (at) minsan, hindi masyadong good friends. Minsan, hindi na kami okay."


Sabay pahabol ng, "Minsan, okay pa kami in terms of relationship.


"With different people," dagdag pa ni Markki.


Sa kanyang patuloy na depensa, "And in my opinion, I don't really like to talk about my relationships with people in general, even 'yung girlfriends, whatever. Hindi ko binabanggit ang mga pangalan ng mga naging relationships ko because it's not my story to tell," sey niya.


After ng sinasabing isyu kay Marvin, sunod namang itinanong ni 'Nay Cristy sa kanya ang tungkol sa 'di rin mamatay-matay na isyu niya with Piolo, na minsan daw ay naispatan silang dalawa na sabay nagdya-jogging sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.


Sabi ni 'Nay Cristy, "Ang daming nagte-text sa akin na (sabi'y) nakikita kayo ni Piolo Pascual sa BGC (Bonifacio Global City) na nagdya-jogging, lagi-lagi, tuwing umaga 'yan. Tinanong kita tungkol kay Marvin Agustin, linawin na rin natin 'yung tungkol kay PJ (palayaw ni Piolo).


Magandang malinawan 'yan," sey ng Cristy Per Minute host.


Paglilinaw naman ni Markki, magkaibigan lang sila ni Piolo.


"Friends kami ngayon, (at) friends din kami ni Marvin, friends din kami ng maraming mga actors. But at the end of the day, let's just say nowadays 'yang mga friends ko are outside of the industry."


Dagdag pa ni Markki, "Hindi ako nakikipagkaibigan.... minsan, toxic for me. Actually, may mga friends din ako sa showbiz, pero hi and hello lang....


"I mean, nakikita ko si Moira dela Torre sa Cornerstone Christmas party, hina-hug ko siya, hina-hug ko si Catriona (Gray). Friends ko sila, pero hindi kami masyadong close like katulad dati na lahat ng buhay ko, is in the industry lang," ani Markki na nasa pangangalaga ng Cornerstone (talent agency).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page