top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Matagal 'di lumabas sa TV at movies… TIKET SA CONCERT NI SARAH, SINGMAHAL NG KAY HARRY STYLES

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 20, 2023




Bagama’t walang regular na TV show at pelikulang pinagkakaabalahan ngayon ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, may inihanda namang malaking concert ang Viva Entertainment para sa kanyang 20th anniversary sa showbiz.


Gaganapin ang nasabing anniversary concert sa Araneta Coliseum ngayong May 12, 2023 at open na sa publiko ang tickets.


May mga celebrities na rin ang naka-line-up o magiging bahagi ng anniversary concert ng Pop Singer, ngunit wala pang inilalabas na detalye tungkol sa mga inihahandang performance.


Balita ring medyo may kamahalan ang concert ticket ni Sarah na kasingmahal daw ng ticket sa katatapos na concert ni Harry Styles.


Gayunpaman, all-out support ang mga loyal Sarah G. Popsters at ngayon pa lang ay bumibili na sila ng ticket sa concert ng kanilang idolo.


Pero ang inaabangan ng lahat ay kung darating at manonood ba ng concert ang mga magulang ni Sarah G. na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page