top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Masuwerte pa rin daw… KATHRYN, NAUNTOG NA SA PAMBABABAE NI DANIEL BAGO PA NAGPAKASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 4, 2023



Ayon sa mga netizens, may dapat daw na ipagpasalamat si Kathryn Bernardo na naghiwalay sila ni Daniel Padilla hangga't hindi pa sila nagpapakasal.


Mas masasaktan si Kathryn kung malalaman niya ang pagiging babaero ni Deej kapag mag-asawa na sila.


Tumagal ang kanilang relasyon ng 11 yrs. pero hindi 'yun katiyakan na magiging masaya at payapa ang kanilang buhay. Marami pa silang dapat na tuklasin sa ugali at pagkatao ng isa't isa. At hindi maiiwasan na ang tulad ni Daniel ay habulin ng mga babae at malapit sa tukso.


Sa ngayon ay tuluyan nang isinara ni Kathryn ang chapter ng kanilang pagmamahalan. Masakit man ay handa na siyang mag-move on at magsimula ng bagong journey ng kanyang buhay.


Pero, ayon sa isang celebrity psychic na si Lovi Vargas, magkakaroon ng Part 2 ang love story ng KathNiel at muli silang magkakabalikan.


Maraming predictions si Lovi Vargas sa 2023 na nagkatotoo. Kaya tiyak na aabangan ng lahat kung magkakatotoo nga ang hula ng sikat na psychic tungkol sa mangyayaring balikan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page