top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mass testing sa evacuation centers, now na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 22, 2020


Bukod sa pagkain, damit at matutuluyan, kailangan ding matiyak na ligtas sa anumang sakit ang mga residenteng apektado ng matinding baha na dulot ng bagyo.


Kailangan din kasing masiguradong hindi magkakaroon ng hawaan ng sakit, na magpapadoble ng hirap ng mga nasalanta nating kababayan.


Kaugnay nito, magsasagawa ng mass testing ang Department of Health (DOH) sa mga binahang barangay sa Cauayan City upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan, gayung patuloy ang pamamahagi ng mga ayuda sa mga binahang residente.


Ayon sa ahensiya, prayoridad ang mga barangay na nakapagtala ng evacuees, at kasunod nito, magsasagawa rin ng mass testing sa Ilagan at Santiago City.


Tama lang na magkaroon ng malawakang COVID testing sa mga binahang lugar dahil malamang, nagsisiksikan ang mga residente sa evacuation center.


‘Yun nga lang, ang tanong, lahat kaya ng binahang lugar ay sakop ng mass testing?


Kamakailan, may nakumpirma nang COVID case sa isang evacuation center sa Marikina City, gayundin ang iba pang sakit, na tinutugunan na ng lokal na pamahalaan.


Sa ngayon, tiyak na gumagawa na ng paraan ang ibang local government units (LGUs) para matugunan ang pangangailangan at kalusugan ng kanilang nasasakupan, pero sana, magpaabot din tayo ng iba pang tulong na kanilang kailangan.


Kung mas maaga itong magagawa, mas malaki ang tsansa na mapigilan ang pagkalat ng anumang sakit. Kaya hangga’t maaga, plis lang, ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa.


‘Ika nga, prayoridad pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng lahat, kaya kung kaya nating pigilan ang pagkalat ng anumang sakit, gawin na para hindi magkahawaan.


Mas magandang umaksiyon nang mas maaga para iwas-problema.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page